[3] Virgin Fantasies

59.3K 413 19
                                    

Red's Corner:

Dedicated to @candiiapple for the image concept. Thanks to you! Pasensiya ka na kung ngayon ko lang nagawan ng kwento 'yong pinasa mo sa'kin. Hehe. (Sana may multimedia feature na ang app para maipakita ko 'yong image).

***

Virgin Fantasies III

<AUBREY>

MAGKASUNOD na ibinagsak namin sa lupa ng kaibigan kong si Trish ang mga sukbit naming backpack.

“Ito na ba 'yon? Grabe, kaya pala halos mamatay-matay na tayo para lang marating ang gubat na 'to!” bulalas niya nang mapasandal sa puno.

Sa ibaba ng lupang kinatatayuan namin ay naroon ang lawa na usap-usapan sa social media ngayon.

Nameywang naman ako kasabay ang pagbuntong-hininga.

“Maganda nga ang lawa na 'to, Trish, aminin mo. Parang inaakit tayong uminom at maligo,” manghang sabi ko.

Ang totoo, well, ayon sa pagkakaalam ng lahat, ngayon lang lumitaw ang lawa na nasa ibaba sa gubat na ito. Since hindi naman na virgin forest ang isang 'to, marami na rin ang nakapag-camping dito dati pa at wala isa man sa mga iyon ang nakakita na may lawa sa mismong puso ng gubat. Until recently, may isang grupo ng mga photojournalist ang nag-camping sa parteng ito at kumuha ng mga litrato. The day before kasi ay may bumagsak na meteor sa parteng ito. Ang dami pang speculations na nangyari bago napatunayan na authentic nga ang pictures na nakuha. Ang masama pa, sa tatlong photojournalist na nagpunta sa lawang ito, isa lang ang nakabalik at lalaki pa. Ang mga kasamahan daw nitong dalawang babae ay naglaho na parang mga bula sa gubat. May mga kumuha raw sa mga kasamahan nito.

They even consulted paranormal experts. Ayon pa sa mga ito, gawa raw ng mga the anothers ang lawang ito pero sa kung anong kadahilanan, iyon pa ang hindi malaman. At sa malamang, mga the anothers din ang kumuha sa mga kasamahan nitong babae.

Huh. The anothers daw, o. Heto tuloy kami ni Trish ngayon, pina-assignment sa amin ang pag-iimbestiga sa kaso ng lawa sa gubat na ito. Kailangan daw na maunahan namin ang mga foreign experts na madiskubre ang sekreto ng lawang ito.

“Pwede nga namang lumitaw lang mula sa lupa ang lake na 'to,” sabi pa ni Trish. “Look, sa panahon ngayon, wala nang imposible.”

“Edi sana sinabi mo na 'yan kay Sir nang hindi pa natin nararating ang gubat na 'to. Halika na nga, mag-set up na tayo ng tent.”

Ang totoo, sanay na kami ni Trish sa mga ganito. Nagkaroon nga kami ng assignments na mas malala pa dito. Iyong halos malagay na sa panganib ang buhay namin.

Nang matapos na kaming mag-set ng tent ay kumain muna kami at pagkatapos ay nanguha ng mga pictures na ma-trip-an namin. Hindi ako sigurado kung may mapapala kami sa isang 'to pero ang importante ay nangako sa amin si Sir na bibigyan niya kami ni Trish ng bonus.

“Mukha namang walang kakaiba sa gubat na 'to. Ni bakas ng mga mababangis na hayop wala akong maramdaman,” wika ni Trish habang dinadagdagan ng kahoy ang ginawa naming bonfire.

Naglibot pa kami sa gubat at bumalik lang kami sa tent nang magsimula nang lumubog ang araw.

“Isipin na lang natin na blessing-in-disguise 'to. Kahit isang araw lang nakalayo tayo sa bungangero nating boss,” sabi ko naman.

“Damihan na lang natin ang pagkuha ng mga pictures do'n sa lawa para wala naman siyang masabi.”

“Sang-ayon ako. 'Yon lang naman ang pwede nating gawin habang nandito na tayo. Pagkatapos gagawa tayo ng kwento. Kunwari,” umakto akong nag-iisip, “um, kunwari may nahuli tayong mga taong naghuhukay do'n sa may lawa.”

The Perfect Seduction Book 1 (Completed)[R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon