[1] Virgin Fantasies

76.4K 446 21
                                    

Red's Note:
Paumanhin po sa update na 'to. Talaga lang wala nang pumapasok na matino sa utak ko pero aayusin ko 'to kapag sinipag na 'ko.
Salamat po sa pang- unawa.
***

VIRGIN FANTASIES I

Fantasy Inn.

BAKIT naman ganito ang pangalan ng bahay- bakasyunan na 'to?

Tiningnan ko muli ang hawak kong postcard at pagkuwa'y pinagmasdan na naman ang malaking bahay na nasa harap ko. Mas maganda nga ang lugar na ito sa personal kaysa sa larawan.

Maswerte kasing nanalo ako ng two- night vacation package sa isang online raffle. Naghahanap kasi ako ng mapagbabakasyunan noong isang linggo at bigla na lang may nagpadala ng link ng website sa email add ko. Ang akala ko nga scam, eh. Anonymous ba naman ang sender? Nang tingnan ko ang site ay legit naman pala iyon.

Kaya ipinadala ko ang contact information ko sa kanila. Gusto ko lang subukan iyon pero ni katiting ay hindi naman ako umasa na ako ang mapipili.

“Miss Ara Sandoval?” tanong sa akin ng babaeng nasa mid- forties na yata niya na lumabas ng inn. May suot siyang puting long sleeve na naka- tuck in sa itim na skirt. Siguro siya ang manager dito.

“Ako nga po,” magalang kong tugon.

“Congratulations! Ako si Mrs. Luz Salamangka, ang manager nitong Fantasy Inn.”

“Ah, kayo po 'yong nakausap ko sa phone kahapon. It's nice to meet you po.”

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang Salamangka ang apelyido niya. Kaya siguro naging Fantasy ang pangalan ng inn na 'to.

“Pumasok na tayo, hija. Hinihintay ka na ng magiging silid mo,” excited niyang sabi.

Hinila ko na ang trolley bag na siyang tanging dala ko. Kanina nang pagpasok ko, akala ko ay nasa isang enchanted forest ako. Sobrang dami ba naman ng puno sa paligid at ang lalago ng mga bulaklak at halaman.

Maganda naman ang loob ng inn. Napakaaliwalas ng ambiance at para akong nagbalik sa panahon ng mga Hapon dahil sa style niyon. May napansin lang ako.

“Mrs. Salamangka, nasaan po ang ibang mga bakasyonista?” tanong ko habang paakyat na kami sa hagdan.

“Ah, hindi ko pala nabanggit sa iyo na exclusive para sa iyo ang inn. That means masusolo mo talaga ang buong lugar, Miss Ara. In that way, mai- enjoy mo ang Fantasy at hindi lang iyon, matutupad pa ang matagal mo nang hindi inaasam na kahit kailan ay hindi mo inakala.”

“Wow,” iyon lang ang nasabi ko. Somehow it's so flattering. Feeling ko napakaimportante ko. Pero ini- expect kong may makikilala ako dito. Sana pala nagsama na lang ako ng isa man lang sa mga kaibigan ko.

Naglakad kami sa mahabang pasilyo at dumaan sa maraming pinto hanggang sa huminto kami sa second to the last door sa kabilang bahagi ng ikalawang palapag.

Sinusian niya ang pintuan at magkasunod kaming pumasok.

Napakagara ng silid at masyadong malaki para sa isang kama lamang. But anyway, ito talaga ang gusto ko. May azotea doon kung saan tanaw na tanaw ko ang kakahuyan sa hindi kalayuan.

“Nagustuhan niyo ba, Miss Ara?”

“Opo, Ma'am. Thank you so much.” Sa kabilang panig ng silid ay nakita ko ang parang sliding door. “Ano naman ang meron sa pintuang 'yon?”

“Ah, bahagi pa rin iyon ng silid mo. Sa tamang oras, makakapasok ka rin diyan. Bueno, iiwan na muna kita at ipahahanda ko ang makakain mo. Tiyak na napagod ka.”

The Perfect Seduction Book 1 (Completed)[R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon