[5] JAIRUS OF VALENTINE

43K 316 10
                                    

JAIRUS OF VALENTINE V

OLIVIA

PARA AKONG saglit na nawalan ng lakas nang mapatunayan kong si Jairus nga ang nakita ko. At lalo akong nagimbal nang makita kong may babae siyang kasama. Gano'n ba 'yon? Kakabalik lang niya sa pagiging tao ay nakahanap na siya ng bago?

Ang ikinagimbal ko lang, kamukha ng babae na 'yon ang kapatid ko!

“Imposible...”

Patay na si Sophia. Imposible na siyang makabalik matapos niyang kitilin ang sarili niyang buhay. Talaga bang hanggang dito ay hindi siya magpapatalo sa akin? Gagawin at gagawin niya lahat para lang hindi ko makuha ang puso ni Jairus?

“Hindi lang si Jairus ang nagbalik...maging ang kapatid ko nagbalik na. Hindi pwede 'to...”

“Aking reyna,” untag ni Sylvester at hinawakan ako sa aking kamay. “Paalis na sila. Gusto mo ba silang sundan?”

“H- hindi,” sabi ko at umiling. “Hindi natin sila kailangang sundan. Sapat na ang malaman kong nagbalik na nga siya. Ang mahal kong si Jairus.”

Ganunpaman ay napuno ng kasiyahan at pananabik ang puso ko. Kaunting panahon na lang ang kailangan ko. Nagbunga na ang matagal kong paghihintay.

“Kung gano'n tara na sa sasakyan,” sabi niya at pinisil ang kamay ko.

“Tama. Kailangan ko pa ng dagdag na kapangyarihan. Mas malakas na kapangyarihan, mas malaking posibilidad ng tagumpay,” nakangisi kong sabi. “Ngayon ay sisiguraduhin kong hindi na ako matatalo ni Ate. Akin lang si Jairus.”

SOFIA

ANG PAGTUTURO ko kay Jairus ay mas madali pa kaysa sa inaasahan ko. Marunong siyang magbasa at magsulat given na isa siyang instructor during his time. At hindi lang iyon, marami rin siyang alam na linggwahe. Mas marami pa nga siyang alam kaysa sa 'kin, eh. Hehe.

Tungkol naman sa pananamit, kahit na tinuruan ko na siya, gusto ko pa ring maging personal na stylist niya. Ang sarap niyang bisihan. Pero mas masarap pa rin talaga siyang hubaran. Aminin na natin.

Madalas ko siyang isinasama sa opisina. Bukod sa ayaw kong nawawala siya sa paningin ko, gusto kong matutunan niya ang mga pasikot- sikot sa trabaho ko.

“Ma'am, ready na po siya,” kinikilig na sabi sa akin ni Mimi nang lapitan niya ako. Kausap ko ang photographer sa studio dahil may pictorial kami.

Napalingon ako sa direksiyon ng dressing room. Nakita ko si Jairus sa labas niyon habang pinagmamasdan ang sarili niya habang nakakunot ang noo. Tapos na siyang magbihis. Ang hot niyang tingnan sa suot niyang three- piece suit.

Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naglakad ako palapit sa kanya at saka lang siya ngumiti nang makita ako. Ito talaga ang gusto ko kay Jairus. Pinangangatawan niya ang pangako niyang ngingiti lang siya para sa akin.

“Looking good, huh,” I said with admiration.

“Bakit ko kailangang suotin 'to? Masyadong magara.”

“Dahil magtatrabaho ka. Gagawin kitang model at ikaw ang isasalang namin sa pictorial ngayon.”

“A- ako? Modelo?”

“Oo.” I moved closer and tidied his collar. “Don't you know how dashing you are, Jairus?”

“Sof, hindi ko alam ang gagawin ko.”

I cupped his face and looked him in the eyes. “I believe in you, Jairus. Sana naman hindi mo 'ko biguin.”

Ilang sandali rin kaming nagtitigan lang bago niya 'ko hinapit sa beywang at siilin ng halik sa mga labi. I automatically clung to him.

The Perfect Seduction Book 1 (Completed)[R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon