8 [Kelsey]

471K 13.8K 822
                                    

/KELSEY/

***

"Baba na dyan, Kelsey!" sigaw sa akin ni Tanda mula sa baba.

"Wait! Tsk!"

Nakakainis na lalaking 'to! Kanina pa ako sinusundan! Nasira tuloy plano namin!

Nandito ako ngayon sa bubong ng base ng isang gang. Dapat tahimik lang naming kukunin yung insignia nila pero may mga nakabantay pala dito sa taas pati na rin sa baba at nagtatago lang pala sila. Mas makakasave kasi kami ng stamina kung makukuha namin yung insignia ng hindi na nakikipaglaban pero wala na, napansin na nila kami.

Pumunta kasi kaagad kami dito sa kabilang side ng palengke since baka nandun pa yung Huntress na naencounter namin kanina. Tsaka mas maraming gangs sa side na 'to. Balak sana naming mangolekta ng insignias ngayon ng at least four gangs pero sa una pa lang nakaencounter na agad kami ng problema.

"Hoy bata, hindi ka makakaligtas dito ng buhay!" sigaw nung lalaking nakabantay kanina sa insignia. Pero sorry siya, nakuha ko na. Kaso kanina niya pa ako sinusundan. Bwisit! At ang kapal ng mukhang tawagin akong bata! It's enough na may tumatawag sa akin ng Nene kahit nakakainis.

"At least ako bata pa, ikaw matandang bakulaw!" pagkasigaw ko nun sa kanya ay biglang kumunot yung noo niya at bumunot siya ng dalawang kutsilyo sa likuran niya.

"Mamatay ka na!" bigla siyang sumugod papunta sa akin kaya tinali ko muna yung insignia sa bewang ko at kinuha ko yung whip ko.

Hinagis ko yun papunta sa katabing puno at pumulupot doon sa sanga yung dulo ng whip ko. Tumalon ako papunta sa puno. Dahil sa mismong trunk ako tatama, pinosition ko yung sarili ko para sipain yung trunk at magsilbing driving force sa pagtalon ko papunta doon sa branch kung saan nakapulupot yung dulo ng whip ko. Pagtingin ko doon sa lalaki, nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya kasing hinagis yung dalawang kutsilyo na hawak niya papunta dito kaya agad-agad kong tinanggal yung whip ko mula sa pagkakapulupot at inikot-ikot ko sa ere para mapigilan yung momentum ng mga kutsilyo. Tumusok yung dulo ng dalawang kutsilyo sa chains ko kaya nung hininto ko yung pag-ikot nun ay kinuha ko mula doon yung mga kutsilyo. Nginitian ko yung lalaking nakatayo sa bubong at mukhang alam na niya ang gagawin ko kaya tumakbo siya palayo sa akin.

Pero bago pa siya makalayo ay hinagis ko pabalik sa kanya yung dalawang kutsilyo at dumaplis yung isa sa may binti niya. Sumigaw siya nung natamaan siya at tinawanan ko siya.

"You should never throw your weapons if you can't recover it. Tanga!" after that ako naman ang napasigaw dahil biglang may nagpaputok mula sa baba. Nagtago ako sa trunk ng puno para hindi ako matamaan pero huminto rin agad yung pagbaril nila sa akin. Pagtingin ko, hati na sa dalawa lahat ng baril nila. Nagkatinginan kami ni Tanda at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin.

"You're welcome," sabay yuko niya pa.

"Che!" tapos saka ako tumalon pababa. Naglakad ako papunta sa kanya at namangha na naman ako sa lakas niya. Napatumba niya yung sampung members na nasa baba at lahat sila ay may hawak na baril.

"Teka nasaan si Leader?" tanong ko dahil hindi ko siya makita dito sa labas.

"Nasa loob, tinotorture yung boss."

"Bakit? Nakuha na natin 'tong insignia ah?" sabay turo ko sa flag na nakatali sa bewang ko.

"Well dahil nakita na rin naman tayo ng gang members, might as well lubus-lubusin na natin ang pinunta natin dito."

Bigla naman niya akong hinatak papunta sa loob at bigla akong napayakap sa sarili ko dahil nag-iba yung temperature. Ang lamig! Tapos wala na ring malay lahat ng gang members na nandito sa loob.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon