35 [Gemma]

325K 12K 3.1K
                                    

/GEMMA/

***

"Holy shit," bungad ni Ash nung nakapasok kami sa loob.

Nandito kami ngayon sa parang lobby at sobrang daming tao. Karamihan ay lalaki at may mga hawak silang weapons. Nilibot ko ang paningin ko at may iilan akong nakitang kakaiba ang presence. I'm sure some of them are like us—they have attributes and they'll use them during the match.

"So you girls really came, huh?"

Napatingin agad kami sa likuran namin at bumungad si Hale. Buti na lang at narestrain kaagad ni Kelsey ng chain niya si Krystal kundi ay magkakagulo rito. Ito namang Hale na 'to, ngumiti pa sa kanya nang nakakaloko kaya mas lalong kumunot 'yung noo ni Krystal.

"Ikaw ba ang nagsuggest ng pangalan namin?" tanong kaagad ni Kelsey habang hawak-hawak niya 'yung chainwhip.

"Not really. Kalat na sa ibang Division ang pangalan na 'yun. At dahil nagkaroon na kayo ng bounties, sa ayaw at sa gusto niyo ay ipapangalan sa inyo kung saan kayo nakilala."

"Well, it's actually nice. Nakwento na sa akin ni Miles ang suggestions ng mga 'to and I'm really thankful na wala doon ang napili. Aalis talaga ako sa grupo kapag nagkataon," sabi bigla ni Ash.

"Grabe ka ha!" sigaw ko sa kanya. Judgmental 'tong babaeng 'to. Anong pangit doon sa mga naisip namin? Wala naman ah?

"See you around, Ice Goddesses," tapos biglang may nagform na iced flower sa kamay niya at inabot niya 'yun kay Krystal. Pero dinurog lang niya at sinamaan niya ng tingin si Hale habang papalayo sa amin.

Pinakalma muna namin si Krystal after that encounter. Isa pa, wala naman kaming pupuntahan since dito sa lobby naggagather lahat. Nandito kami sa malapit sa wall kaya naupo muna kami sa lapag. Mukha kasing hindi pa magsstart.

"Ang hot nung isang 'yun," biglang sabi ni Ash kaya napatingin ako sa line of sight niya at may nakasandal na lalaki sa isang pillar habang hinahasa 'yung curved knife niya na medyo malaki.

"Baka naman 'yung knife niya lang ang tinignan mo." Mukhang mas interesado pa si Ash sa weapons kaysa sa mga lalaki eh.

"Ha? 'Yung knife naman talaga 'yung sinasabi ko eh. Tsaka hindi ko gusto ang tabas ng mukha ng may hawak."

"Sabi ko nga." Tinignan ko ulit 'yung lalaki at gwapo naman siya. Baka magkaiba lang kami ng paningin nitong si Ash.

Kanya-kanya kaming nag-observe kaya nilibot ko rin 'yung paningin ko at ngayon ko lang narealize na ang daming swordsmen and swordswomen dito. Iba't ibang klase ng swords din ang nakikita ko kaya nag-sword hunting na rin ako gaya ni Ash.

"That bokken is nice."

Nagulat ako nung marinig ko 'yun kaya napatingin agad ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaki na may hawak ring sword. At in fairness, alam niya ang bokken. Mukhang marami siyang alam sa swords and the like.

Tumingin naman siya sa paligid tsaka lumapit sa akin kaya napahawak agad ako sa bokken ko. Then napansin ko na nagbago 'yung kulay ng mata niya from black to blue, then back to black.

"You have an attribute, right?" bulong niya kaya napatigil ako.

"Ikaw rin?" tanong ko at ngumiti lang siya.

"Then see you on the battlefield, Miss..."

"Sorry, but my name is too valuable to spill," then I smirked at him.

"Oh," tapos ngumiti na naman siya. "I like your personality."

"Gusto ko rin ang personality ko." Pagkasabi ko nun ay tumawa siya nang tumawa hanggang sa mamula na 'yung mukha niya.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon