2 Coincidence?

54 3 0
                                    

"Para po!"

Medyo pasigaw ko sa jeepney driver nang nasa tapat na kami ng school na pinapasukan ko.

"Manong, para!"

Medyo nakalagpas na kami pero di pa din niya ata ako narinig kaya naman yung katabi kong lalake na yung pumara para sakin.

"Para ho!"

Doon lang tinigil ng driver yung sasakyan. Kung kailan malayo na kami sa school. My mom's a bully, ito ang dare niya sakin when I got lose on a game we played last night with my brother, using Skype.

Si Yohann and mommy and magkakampi habang kami naman ni dad ang magkakampi. We played Archer, Bunny, Wall. Dad and I lost. Ito ang dare sa akin, ang sumakay sa public jeepney while kay dad ay mag-bike from our house to the company.

"Ano manong, gustong patunayang may forever? Kainis, ang layo na ng school oh." I said habang naglalakad ng medyo nakayuko palabas ng jeep. Hindi ko alam na palabas din pala yung lalakeng tumulong sakin and narinig niya pa yung tantrums kuno ko.

"You know the smell of being bitter?" He said ng makalabas kami pareho ng sasakyan.

"I know that! Hindi ako bitter 'no! Diyan ka na nga!" Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng bumalik ulit ako sa kanya. "By the way, thanks sa pagpara sa jeep. Che!" At saka naglakad na ulit.

"Ya! Highschool girl! Hindi ako pumara ng dahil sayo. Actually, I don't care. Pumara ako dahil bababa na 'ko. See you next time!" Nag-wink pa ang feelingero bago maglakad papasok sa isang coffee shop. Ba't ang pogi niya? Erase, erase Sophia! Committed ka pa sa gagong boyfriend mo!

But I realized na sinundan ko pala siya ng tingin hanggang sa makaupo siya. May ka-meet siyang girl. They looked good together. Ano niya kaya yan? Ang saya niya habang kausap yung girl. I thought he looks handsome on his wink, mas gwapo pala siya on his smile. Sophia! Late ka na, aba!

Hanggang sa makaupo ako sa seat ko, yung guy na yun pa din yung naiisip ko... Teka lang!

"Ya! Highschool girl!"

"Ya! Highschool girl!"

"Di naman na 'ko highschool ah? How can he say na highschool pa lang ako? Dahil ba maliit ang future ko? Dahil ba kulang ako sa height? Hindi iyon ang batayan! Tsaka sana pala hindi na lang ako nag-thank you! Lapastangan!"

"Nilalapastangan mo din si ma'am 'te! At inaasar pa. Nakakaloka ka! Kanina pa kita tinatapik kasi na-iinterrupt mo na si madam dreygon." Impit ang boses na sabi sakin ng bestfriend kong si Ayah dahil nakatingin pa din ng masama sa akin ngayon ang terror professor namin sa Principles of Management. Hindi ko alam na napalakas ko palang sinabi yung mga nasa isip ko.

Tiningnan ko naman agad si ma'am para makumpirmang nakatingin nga siya ng masama sa akin. Oh no! Ayaw pa naman niya na iniistorbo siya sa discussion niya.

Pinagpapawisan na ko ng malamig dahil palapit na siya ng palapit sa akin. Buti na lang nag-alarm na yung cellphone niya meaning tapos na ang class niya sa amin. Ganyan siya kasi medyo thunder na siya at madalas sa sobrang trip magturo, nakakalimutan niyang tapos na ang time niya kaya nagaalarm siya.

"Nice luck miss Sophia."

I just smiled. Syempre baka mamaya mamali pa ko ng sagot, mahirap na.

Sa sobrang kaba ko naman ay agad akong tumakbo papuntang CR para ilabas lahat ng liquid na naproduce ng katawan ko dahil kay ma'am.

"Grabe talaga 'yon! Hindi na 'ko magda-daydream sa subject niya! Nakakainis naman kasi yung lalakeng yun eh! Ayaw mawala sa isip ko." Sabi ko pa habang tuloy tuloy pumasok ng CR at tumingin saglit sa mirror... Only to see the guy at my back. Yes, a guy. And when I say guy, lalake ito. Lalake. This is crazy, there's a maniac inside this restroom at tila ba ako lang ang narito.

You saw it, Sof, naka-shirt lang siya. Well, I mean Polo Shirt. Civilian. Pang porma. Or what so ever! Hindi siya naka-uniform So isa nga siyang... Oh no.

"Hey! Kanina pa kita tinatapik. Wanna go inside?" Parang nabuhusan naman ako ng isang baldeng tubig sa ginawa niyang pagtapik ng marahan sa balikat ko kaya nagpanic ako at kung anu ano na lang lumabas sa eskandalosa kong bibig.

"Sure! Ay hindi, I mean where? No! Sabi na eh!" Natataranta kong sigaw sa kanya.

"You say what?" He's mocking me. How dare he did that to me?

"Manyak ka!" I shouted. Gusto ko sana siyang paluin o hampasin o suntukin kaya lang ay baka ikulong niya ako sa isa sa mga cubicle.

"Ikaw nga 'tong kanina pa nakatitig sa shirt ko. Gusto mo bang makita yung nasa loob? Well, for your information lang miss, I've been working out for almost a year so may maipapakita na 'ko sayo."

"Anong nakatingin? Hindi ah! Tsaka wala akong pake kung nagwowork out ka... Well, I envy you mister kasi may nagwowork pa sayo. Samantala, yung relationship namin ng peste kong boyfriend, ayun never na atang magwowork out! That asshole!"

"Okay, kalma lang. You know what, I don't have time for this rant of yours about sa, well you said, asshole mong boyfriend. I'm busy, I need to cope up on my missed lessons. And... Nag-aalala lang ako sayo kasi... Ano, lalabas na ko and baka malasin ka pa lalo at may pumasok ditong totoong manyak if ever meron man." Nagugulahan naman akong nakatingin lang sa kanya dahil sa litanya niyang yun. I was about to say something ng magpatuloy siya. "Nagkamali ka ng CR na pinasok miss. Pati ba naman sa CR, naliligaw ka pa? Maiintindihan ko yung sa funeral eh, pero yung ngayon? Parang hindi na. Labas na miss, ha? Una na 'ko."

Pinanuod ko siyang naglakad palapit ng pinto hanggang sa mawala na siya. Ok, what was that? So, ako pala yung mali. Shame on you, Sophia!

Kaya naman agad akong lumabas ng CR ng boys at pumasok sa katabing pinto nito which is ang totoong CR ng girls and there I remember his face. Siya yung galit na galit na lalake sa maling chapel na napasukan ko.

Well, what a very coincidence naman ata na dito din siya nag-aaral? Oo, malaki ang university na 'to pero hindi ba parang imposible naman atang 2nd year ko na 'to and parang ngayon ko lang siya nakadaupang palad dito. To take note that hindi ko pa agad siya nakilala. Nagpagupit kasi siya eh, narealize ko tuloy na may itsura pala siya. I mean, no! Ang hangin niya kaya! Lalo na kanina!

Unwanted GuestWhere stories live. Discover now