3 Mess

28 1 0
                                    

"Is that even possible?"

"Yes, it is, miss." Si Ayah na nagkaroon na ata ng stiff neck dahil sa lalakeng nagpapakilala sa harap namin ngayon. Kulang na lamang ay tumulo na ang laway niya para rito.

I know him very well. It is him again. And is this even serious that he's currently introducing himself in our class as a transferee student.

"Mr. Naigel Aiden Iñiguez will be your mate on some of your subjects for this semester. He just need to complete those remaining requirements para makagraduate na. By the way, condolonces." Pagpapaumanhin ng aming propesor sa Accounting sa lalaking hindi ata ramdam ang aming presensya dahil sa blanko niyang ekspresyon. "Mr. Iñiguez, you may take your seat." He stretched his arm to lead the new student.

Kakatapos lang ng aming preliminary examination at posible pa palang tumanggap ng bagong estudyante kahit halos dalawang buwan na ng magsimula ang klase.

"Sof, exchange seats tayo?" Halos makita ko na ang mga puso sa mata ng aking kaibigan ng binalingan niya ako para makipag-exchange seat. And why?

"He's not even cute." I turned to my other seatmate and then look back again to my bestfriend.

"'Coz he's handsome as hell. Cute is not appropriate to describe him, Sof!" Pagpipigil ni Ayah dahil nagdidiscuss na ang aming prof. "He's gorgeous and hot and..." Nagkukunwari pa siyang nagpapaypay gamit ang kanyang kaliwang kamay.

"Whatever." Nasabi ko na lamang at saka bumaling na sa aming boring na propesor.

But it's like there's a magnet beside me at talagang nahahatak ang atensyon ko. Ng hindi na talaga ako makapag-focus sa discussion ay palihim kong sinusulyapan ang aming bagong kaklase.

Maybe he transfered because his grandmom died. Saan kaya siyang school galing? And why bother to transfer? Oh! Maybe he's from another country.

He's wearing a combination of navy blue and gray varsity jacket, inside of it is a plain white shirt, a black jeans and a classic navy blue Nike sneakers.

As I look at him, napansin ko ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata. In my 19 years of existence ay ngayon lamang ako nakakita ng ganoong kulay ng mata.

Those set of deep olive-green eyes suit him, though. With gentleness and distinctive outlines, it flaunts how he came from a foreign blood. Dumagdag pa ang kanyang messy hairstyle sa kaakit akit niyang mga mata.

"You done checking me?" Tanong sa akin ng bago kong kaklase.

"Pardon?" Kumurap kurap pa ako dahil tila hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.

"You're staring at me for about..." Tumingin pa muna siya sa kanyang classic black watch then he slighlty bit his lower lip. "Five minutes, miss always-getting-lost?" He even had the guts to chuckle.

Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa professor namin na nagtuturo sa harap. But I just can't focus. And what did he call me? Miss Always-getting-lost? What the actual fuck was that?

He is kind of egotistic, I must say. He always wants to notice that he's being noticed. And he's rude. Yeah, he is. This is so embarassing!

"I'm sorry, mister. But, I'm not checking on you." Walang pasubali kong sinabi habang deretso lamang ang tingin kung nasaan ang aming propesor.

"You say so." Ngumisi pa siya nang sabihin niya iyon.

Matapos ang klase ay agad na nagkagulo ang aming silid, halos lahat ay nagmamadali nang ayusin ang kanilang gamit sa pag-uwi. Napatingin ako sa kabilang gilid ko, wala na siya. Ang bilis naman niyang umalis.

Unwanted GuestWhere stories live. Discover now