Ch.49: The Final Chapter

32.2K 355 70
                                    

Chapter 49: The Final Chapter

Chino’s POV

Nakita ko si Lewis at Bianca by his side..

Oo, masakit. Alam niyo yun di ba?

Masakit makita yung mahal mong kasama yung karibal mo.

Lalo na sa panahong may pinagdadaanan to. Masakit na hindi ako yung nasa tabi nya.

Para bang napakawalang kwenta ko. -_______-

Di ko naman tinuturing na kaaway si Charvin pero ewan. Parang maraming daliri ang kumukurot sa puso ko ngayon sa tanawing nakikita ko. Ang sakit eh :(

Pero titiisin ko lahat to. Hindi ako magpapadala sa sakit at selos na nararamdaman ko. 

Kailangan naming magkausap ni Bianca.

Kailangan naming ayusin yung samin.

Nasa harap ko sya pero hindi siya nakatingin ng derecho sa mga mata ko, pinipilit kong mahuli yung mga mata nya pero hindi eh..

Iniiwas nya yung tingin nya sakin.

Gayun pa man, nababanaag ko sa mukha nya ang patay na ekspresyon nito.

Nalulungkot ako sa nakikita ko.

Lalo na nung sa wakas tumingin sya sakin ng mata sa mata.

Anak ng.. ang cold ng mga mata nya! :(

Parang hindi siya yung Bianca na nakilala ko. Yung may mapungay na mata na pag tiningnan ko malulusaw ka sa tuwa. Kasi yung sa kanya.. malulusaw ka sakit na makita syang ganun :( 

Walang dating yung tingin nya, hindi ko alam kung paano ko babasahin yung ekspresyong pinapakita nya sakin ngayon. Ang alam ko lang, nagbago siya Y____Y

“Dadadi!” pagpukaw ni Lewis sa atensyon ko. Inopen ko yung arms ko para mayakap sya, tatakbo na siya palapit sakin ng higitin ni Bianca yung mga kamay nya

“I told you not to talk to a stranger right?” pinapagalitan ni Bianca si Lewis. Ayoko ng ganito! Stranger?!

“Ano bang stranger Biancs? Ako to! Daddy nya ko!” sagot ko sa sinabi nya kay Lewis, tiningnan nya ko gamit pa rin ang parehong ekspresyon ng mukha


“Excuse me? I don’t remember na may daddy ang anak ko—Argg! Ano ba?” mabilis akong nakalapit sa kanya di ko na sya pinatapos sa sinasabi nya sa halip niyakap ko sya

“Ano bang nangyayari sayo Biancs?” di ko napigil yung sarili ko. Sabihin na nilang kabaklaan pero.. masyado kong mahal ang babaeng to at ang sakit sakit makita siyang nagkakaganito ng dahil sa akin. Para kong tanga. Di ko mapigil ang pagtulo ng luha ko samantalang nasa harapan nila kong lahat.

“Bitawan mo ko! Ano ba!” pati boses nya malamig rin parang hindi nya ko kilala kong makapagsalita sya, pilit syang nagpupumiglas sa pagkakayakap ko

“Biancs, patawarin mo ko. Kung narinig mo lahat ng sinabi ko kanina, totoo lahat yun. Maniwala ka. Hindi ako nagcheat sayo. Ikaw lang mahal ko Biancs.. Ikaw lang. Please. Don’t let this ruin us.” Pagmamakaawa ko sa kanya habang yakap yakap ko pa rin sya. Patuloy na umiiyak ang mata ko.. lalo na yung puso ko. :(

ONE NIGHT STANDWhere stories live. Discover now