Ch.36: WOW. Just WOW. (Part2)

30.8K 378 26
                                    

Oh. Ere na po e part two. Nahiya naman ako sa inyo eh, mga mukhang bitin na bitin kayo. Hehe. Mabait naman ako kaya eto na. Ngiti na kayo dali. :-))

Chapter 36: WOW. Just WOW. (Part2)

Bianca's POV

"Loko loko!"ang tanging nasabi ko. Sa totoo lang, wala akong balak sana magsalita gusto ko lang sana gawin yun kapag narinig ko na ang lahat sa kanya pero hindi, hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nagawa ko siyang pagbabatukan at pagsasabunutan.

Siguro turn ko naman ngayon para magsalita. Ang hirap pala eh. Kailangan ko rin talagang gawin ito.

"Alam mo bang mabaliw baliw na ko dati kakabalik balik dito?!!!! Alam mo bang lagi kitang inaabangan dito kahit wala naman akong kasiguraduhan kung maalala mo ba ko?! Kasi isang gabi lang yun eh. Isang gabi lang na baka para sayo, wala lang." napayuko na lang ako pagkasabi nun. Parang nahiya ako biglang aminin pero masaya rin akong nagawa kong sabihin yun.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya pero bigla niya namang hinawakan ang baba ko para iharap sa kanya, pinipilit ko pa ring iniiwas ang tingin ko ng bigla siyag magsalita,

"Tumingin ka sakin.." malambing niyang sabi. Parang nahaplos naman ang puso ko at kusang tumingin ang mga mata ko sa kanya. Pinipilit kong tatagan ang pagkakatayo dahil nanlalambot ang tuhod ko at feeling ko any time bubulagta na lang ako dito.

"Akala ko dati ang pinakamasayang parte ng buhay ay sa daytime dahil nanduon ang araw na bumubuhay satin, pero kakaiba ang gabing yun. Kakaiba Bianca." pagdidiin niya sa huling part ng sinabi niya.

Oo Chino, tama ka. Kakaiba nga. Naisip ko pero hindi ko naman binigkas.

"Do you remember you told me that HE left you at ipinagpalit ka sa iba? You're heart was broke that night.. Same as mine. My heart was 50-50 at that moment."


Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Di ko maiwasang masaktan. Hindi ko alam kung para saan pero may parang kumurot sa puso ko sa nalaman ko.



"I also lost the one I love that night Biancs, and my world just turned dark. And all that's in my mind is to have my revenge..."

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon