Ch.13: plus 2 years

52.1K 613 8
                                    

A/N: Pasingit! Natatawa kasi ako, short story kako ito pero ma'chapters. HAHAHA. Pero tag-2 pages lang naman halos. Gusto ko lang talaga siya i-divide. Nga pala, may upcoming stories ako. Yung 'HEY BEAUTIFOOL' malapit ko na siya i-labas dito sa watty tapos yung isa wala pa siyang title hahaha basta malapit ko na din yun ilabas. Sana pakibasa din. Maganda yung story. I swear, you'll love it. Humor/Romance yun and a little bit of kabaliwan/kalokohan pero, masaya yun. Basta check it out na lang. THANKS! lovelove <3

_____________________________________________________________________________

Chapter 13: plus 2 years.





Charvs' POV




Papunta ko ngayon sa school ni Luluboy, pinapasundo kasi siya ni Biancs, nasa out-of-town ito at may inasikaso para sa shop nito, si Bien naman ay busy din at hindi masusundo ang pamangkin kaya naman sa akin na lang muna ipinagkatiwala.

Pagpasok ko ng school niya, nagdirecho agad ako sa room nila, hindi naman kasi pinalalabas pa ang mga kinder pag wala pa silang sundo.

Kumatok ako,

Bumukas naman ito agad at bumungad sakin ang teacher-in-charge na si Miss Elaine,

Kilala ko na siya kasi hindi naman ito ang first time ko na sunduin si Lewis,

Wala namang problema sakin kung ako ang sumundo sa kanya, pwede ako anytime

Malapit naman sa akin ang bata at ang buong Stallon dahil nga family friend.

"Ikaw pala Mr.Thompson" bungad nito sa akin.

"Ah, yes. Charvs na lang Miss Elaine, susunduin ko lang sana si Lewis." sabi ko sa kanya.

"Ah, yun nga sana, umiiyak pa rin siya hanggang ngayon eh. Sabi niya nakita niya daw ang dadadi niya." Sabi nito sa akin ng medyo mahina.

Nagulat ako.

Daddy niya? Nakita niya? Eh hindi ba patay na ito?

Iyon ang sabi sa akin ni Bien at Bianca.

Paanong nangyari na nakita ito ni Lewis?

Ako nga'y hindi pa ito nakikita maski sa picture,

at ang alam ko'y hindi rin ito nakikita pa ni Lewis.

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon