Chapter 28

740 23 0
                                    

Chapter 28

Napakurap kurap ako ng maaninag ang mukha niya. Si Andrew talaga siya, hindi siya panaginip at mas lalong hindi siya imagination.

"I'm so sorry if I scared you." Seryoso niyang paghingi ng tawad. Kahit na nanginginig ang tuhod at may bakas pa ng luha sa aking mata ay matamis akong ngumiti sa kanya.

Parang kailan lang nung huli ko siyang nalapitan ng ganito kalapit. I missed his smell, his hair, his eyes, his lip. I missed him. Ilang linggo na pala kaming hindi nagpapansinan.

Masuyo niyang pinunasan ang luha ko sa pisngi saka marahang ngumiti. Hindi ako sanay na ganito siya ka sweet sa akin. Feeling ko may nagbago. Ayokong masaktan kaya hindi na lang ako maga-aasume.

Bakit nga pala siya sumusunod sa akin?
"Bakit mo ko sinusundan?" Tanong ko ng makabawi sa ginagawa niyang pagpunas sa pisngi ko. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil pansin ko lang na masyadong malapit kami sa isa't isa. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Gusto kong makita kang safe umuwi sa inyo. Hindi ka na dapat naglalakad papauwi sa inyo kung alam mong aabutin ka ng gabi. Iba na ang isip ng mga tao ngayon. Paano kung may masamang mangyari sa'yo? Hindi ako palaging nandyan para tanawin ka mula sa malayo. Hindi ako palaging nandyan para bantayan ka." He blurted. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Maging siya ay nagulat ng marealize ang sinabi niya.

Hindi ako palaging nandyan para tanawin ka mula sa malayo.

Ibig bang sabihin niya na nakatanaw siya sa akin kahit nasa malayo siya? Totoo bang sinabi niya yon? O nagha-hallucinate lang ako? Daydream? O Imagination?

"I m-mean– gumagabi na. Tara ihahatid na kita." Sambit niya saka umiwas ng tingin sa akin. Hinawakan niya ako sa braso saka hinila papalabas sa pinagtataguan namin.

Tahimik lang kami habang binabagtas ang madilim na eskinita. Kanina halos manginig ang tuhod ko dahil sa takot, ngayon pakiramdam ko na kahit anong species pa ang sumulpot sa harapan namin hindi ako matatakot as long as kasama ko si Andrew at Oh my gosh! Hawak niya ang braso ko kanina pa. Sana hindi na niya bitawan pa.

"Anong nakain mo, Andrew? Bakit parang good mood ka ngayon?" Napasulyap naman siya sa akin saka marahang ngumiti.

"Nakita ko kasi muli ng malapitan ang dating nagpapangiti sa akin." Nakangiti niyang tugon habang matamang nakatitig sa mata ko. Halos atakihin naman ako sa puso dahil sa lakas ng pintig nito. Ayokong damdamin na naman ang sinabi niya pero hindi ko mapigilan kung ganyan ang sinasabi niya. Hindi ko mapigilang umasa na sana totoo ngang ako ang tinutukoy niya.

Umiwas ako ng tingin saka napatingin sa kalangitan. Wala man lang ni isang bituin ang makikita. Siguro nagbabadya na ngayon ang ulan dahil masyadong madilim ang ulap.

"Bilisan natin baka abutan pa tayo ng ulan." Sumang ayon naman ako sa sinabi niya. Maging siya pala ay napansin narin ang makapal na itim na ulap sa kalangitan.

Nagulat ako at napatingin sa kamay niya ng bumaba ito sa pagkakahawak. Kung kanina ay sa braso ko lamang ngayon ay mahigpit na ang kanyang pagkakahawak sa kamay ko.

Ito ba yung sinasabi nilang HHWW? Holding hands while walking. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa ginawa ni Andrew.

Tumingin ako sa kanya para sana basahin ang reaksyon niya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa harap pero hindi nito matatago ang pasimple nitong pag ngiti.

Alam ko nagiging tanga na naman ako ngayon. Sinabi ko ng magmo-move on na ako sa kanya pero heto na naman ako. Hindi ko kasi mapigilan, e. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging tanga muli. Nakita ko lang si Andrew parang nakalimutan ko na ang mga masasakit na salita na binitawan niya sa akin noon. Nakalimutan ko kung ano kami noon at ngayon. Tanga na kung tanga hindi ko na itatanggi kasi totoo naman na tanga ako dahil kay Andrew.

Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ang malalaking butil ng ulan na pumatak sa braso ko. Napatingin ako sa taas hanggang sa magtuloy tuloy ang pagbuhos ng ulan.
Tinabunan agad ni Andrew ang ulo ko gamit ang kamay niya saka mabilis kaming tumakbo para sumilong sa nakita naming bakanteng bahay.

Basa pa rin ako kahit na tinabunan naman ako ni Andrew. Masyado kasing malakas ang ulan pero nagpasalamat rin naman ako sa ginawa niya.

Tahimik lang kaming nakatayo sa silungan na iyon. Tanging ang pagpatak ng ulan sa sahig ang maririnig.

"Kamusta na kayo ni, Xylene?" Pambabasag ko sa katahimikan. Bumuka ang bibig niya pero muli rin niyang itinikom. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Tipid akong napangiti. They're still together pero nandito si Andrew katabi ko. Ayokong maging relationship-wrecker. Ayokong mag promise so hihilingin ko na lang na sana last na namin ang pagsasama ng ganito. Kahit na sumasaya ako tuwing nasa malapit lang si Andrew. I should also think how Xylene would feel when she saw us. Hindi lang kasi ako ang masasaktan sa pagiging ganitong relasyon namin ni Andrew. Marami ng masasaktan at alam kong higit na doon si Xylene. His girlfriend.

"Ayos lang." Tipid niyang tugon. Napansin ko na mukhang nag-iba na naman ang mood niya ng banggitin ko si Xylene. Siguro nag-away sila kaya nandito siya sa akin ngayon? Tapos kapag bati na sila hindi na ulit niya ako papansinin. Wow! Option na lang pala ako ngayon. I know, I shouldn't think that way to Andrew, I just can't help it.

"Let's go. Magkakasakit tayo lalo nito kung mananatili lang tayo dito. Nasa unahan lang namam ang bahay namin." Hindi pa man sumasang-ayon si Andrew sa gusto ko ay tumakbo na agad ako sa gitna ng malakas ng ulan.

Nasa kanya na iyon kung susunod ba siya sa akin o hindi. Pero mas maganda siguro kung hindi.

Naramdaman ko muli ang kanyang kamay sa braso ko at siya na ang humila sa akin papasok sa bahay namin.

Nakapunta na nga pala siya dito noong nag make over ako kaya hindi na ako magtataka kung bakit alam na niya ang bahay namin at siya pa talaga ang humila sa akin papasok ng gate.

Pagpasok pa lang namin sa bahay ay sinalubong na agad ako ng tatlong pares ng mata.

"Bakit ginabi ka na, Aaliyah? Tignan mo basang basa ka na. Hindi ka ba nagdala ng payong–" Napahinto si Mommy sa pagsasalita ng makita niya kung sino ang nasa likod ko.

"Oh? Andrew ikaw pala 'yan!" Masayang bati ni Monmy saka lumapit sa amin.

"Mamaya mo na sila kausapin, Honey. Basang basa sila, o. Baka magkasakit ang mga iyan." Turan ni Dad saka marahang ngumiti kay Andrew.

"Goood evening po, Tito." Tumango naman si Dad.

"Aijan. Samahan mo si Andrew sa kwarto ni Kien duon mo na lang siya pabihisin." Utos ni Dad kay Kuya Aijan. Naglakad naman si Kuya Aijan papuntang hagdan saka sinenyasan si Andrew na sumunod. Marahang yumuko si Andrew kina Mom at Dad saka sumunod kay Kuya Aijan.

"What's happening, sweetie pie? Don't tell me na sinagot mo agad si Andrew? Hindi ka man lang nagpakipot at nagpa hard to get?" Napasapo naman ako sa aking noo dahil sa tinuran ni Mommy.

"Mamaya na 'yan Hon. Baka magkasakit si Aaliyah." Pigil ni Dad.

"Oo na. Sige na, sweetie pie magbihis ka muna dahil magkukwento ka sa akin mamaya." Napailing naman ako saka patakbong pumunta sa kwarto.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now