Chapter 13

713 15 1
                                    


Chapter 13

"What? No! Hindi pwede 'no. Kung gusto mo ikaw na lang ang ayusan nila!" Gulat na tugon ko kay Andrew pagkatapos niyang utusan ang mga babae na nagta-trabaho dito sa boutique na ayusan ako. No way! No hell!

"Do you still remember my rules? Slave?" Nagtitimping tanong niya. Nakaupo siya sa couch habang nakadekwatro at naka crossed arm.

"Uhm..." napatingin pa ako sa taas habang inaalala 'yung mga rules niya. Napapakamot pa ako ng bahagya sa batok.

Nakita kong lumanghap siya ng hangin na para bang nagtitimpi... Bago napipilitang ngumiti.

"Second rule, Slave. No complaints. Hindi ka pwedeng mag reklamo sa lahat ng utos ko kaya susundin mo ang gusto ko sa ayaw at sa gusto mo. Gets?"

Dahan-dahan akong napatango habang nakasimangot. 'Yun pala 'yon? Kung hindi ko lang gusto ang lalaking to, asa bang papayag ako sa gusto niyang mangyari.

"Now, I want you to change your clothes,"

"Choose some clothes that will suit her, please." baling niya sa babaeng nakatayo sa gilid namin. Hindi ko maiwasang mapansin ang bahagya nitong pagpasada ng tingin sa kabuoan ni Andrew. Ang sarap dukutin ng mata!

Pabebe itong ngumiti kay Andrew saka marahang tumango. Hinawakan niya ako sa kaliwang braso bago inilahad sa akin ang daan. Tatanggalin ko na sana ang hawak niya kaya lang  nang mapatingin ako kay Andrew ay nakataas na ang kilay nito kaya napipilitan akong naglakad kasabay ang babae.

Hinila ako ng mga babae sa isang silid. Maraming nga nakahanger na mamahaling dress at iba't ibang damit  na talagang walang wala sa panlasa ko.

Iniwan muna ako ng babae bago ito umalis para pumili ng isusuot ko. Nai-imagine ko pa.lang na magsusuot ako ng dress kinikilabutan na ako sa magiging itsura ko. Kung alam ko lang na dito ako dadalhin ni Andrew, edi sana hindi na lang ako sumama. Nakakaiyak!

Ilang minuto pa ay lumapit na sa akin ang babae na may dalang iba't ibang dress na nakasabit sa kanyang braso.

Itinapat nito sa katawan ko ang isang casual dress na napili niya. Maiiyak yata ako ng makitang masyadong maikli ang dress na iyon. Purple halter dress iyon at backless kaya siguradong kitang kita ang likod ko! 1-inch above the knee ang haba niyon.

Marami pang mga dress na itinapat sa harap ko ang babae pero halos lahat iyon ay low neckline. Siguradong makikita ang cleavage ko. Mas desente pa tignan para sa akin ang purple halter dress dahil likod ko lang naman ang makikita kahit papaano.

Wala akong nagawa ng itulak na ako ng babae papasok sa isang maliit na kwarto, at mayroong full body length mirror na siguro ay fitting room.

Mabilis lang ako nagbihis. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang itsura ko sa harapan ng salamin. Although naka salamin pa rin ako sa mata hindi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon ko. Sabi na nga ba hindi bagay sa 'kin 'tong mga ganito, e. Kaiyak!

Kahit nahihiya ay lumabas pa rin ako sa fitting room para ipakita sa babae ang suot ko ngayon.

Pinasadahan ako nito ng tingin bago ito marahang ngumiti sa akin. Iginiya niya muli ako papalabas ng slilid na iyon para puntahan kung saan prenteng nakaupo si Andrew.

May hawak itong magazine at nagbabasa kaya hindi niya pa ako nakikita. Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya.

Noong una ay parang balewalang nakatingin siya sa 'kin pero hindi rin nagtagal ay napatabon siya sa bibig para umubo. Nasamid kahit wala namang iniinom?

"What can you say, Sir?" Tanong ng babaeng nasa kaliwa ko. Hinimas naman ni Andrew ang baba niya na parang nag-iisip habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now