Chapter 30

60 24 1
                                    


"Visiting Her Family."






***





Sienna's Point of View







Babangon na sana ako ng may maramdaman akong mabigat na nakadagan sakin pagkamulat ko ay kaagad bumungad ang maamong mukha ni Bryce na mahimbing na natutulog.




"Hey, wake up." mahinang bulong ko sakanya baka kasi magising si Baby Lia mahirap pa namang patulugin iyon.



Hindi ko na siya kinibo pumunta nako kaagad ng cr para maligo dahil pupunta kami kila mommy pinapapunta nga kami dun gusto niya raw kasi makita si Baby Lia.

Nang matapos akong maligo nakarinig ako ng mga halakhak lumabas na kaagad ako ng banyo at tinignan kung sino yun si Baby Lia at Bryce hay! Jusme akala ko kung ano na tsaka lang sila tumigil ng makita nila ko.


"Your, tita sienna is here." nakangiti akong sumalubong sakanilang dalawa kiniss ko naman sa cheeks si Baby Lia at kaagad naman sumimangot si Bryce.





"What?" takhang tanong ko dito.




"Where's my kiss?" nagtatampong sabi niya.




Hinalikan ko naman siya ng mabilis sa labi at ayun ang loko tuwang-tuwa pati bata pinagseselosan parang timang lang mabuti nalang at nakabihis nako bumaba na kami para magbreakfast.




"Goodmornin, guys." nakangiting bati samin ni Kuya Levi akala ko nasa hospital sila?


"Uhm, si Tita Lizzy muna ang bantay kay Ate Lily." sabi naman ni Bryce sakin kinarga muna ni Kuya Levi si Baby Lia para makakain kami ng maayos ng breakfast ni Bryce.




"Bryce?" tawag ko dito.


"Why?" ininom niya muna yung coffee niya bago niya ko sinagot.


"Papasok ka ba sa office after mo kaming ihatid?" tanong ko.


"Yeah." nakangiting saad niya sakin binilisan ko ang pagkain at hindi ko na nilagay sa lababo ang pinagkainan ko bahala na ang mga maids sa pinagkainan namin. Lumapit samin si Kuya Levi bitbit si Baby Lia na natulog na.




"Si Ate Lily, kamusta na?" tanong ko.


"Kailangan pa niyang magpahinga ng ilang araw bago makalabas ng ospital. Miss na miss na nga niya iyang anak niya kailangan pa kasi siyang obserbahan ng mabuti sabi ng doktor." sabi naman ni Kuya Levi. Naawa ko kay Ate Lily pati kay Baby Lia kaya habang hindi pa nakakalabas ng ospital si Ate Lily ako muna ang magaalaga kay Baby Lia.




"Let's go." aya ni Bryce ng matapos siyang kumain.


"Yeah." nasa harapan kami ng kotse habang si baby lia naman ay nasa likuran nakaupo sakanyang sariling crib na upuan at mahimbing ang tulog..


"We're here." kaagad akong nagising sa ibinulong ni Bryce sakin sabay halik niya sa pisngi ko.


Lumabas na siya ng kotse at pumunta sa kabilang pintuan para pagbuksan ako pagkatapos nun ay pinuntahan niya si Baby Lia at maingat na ikinarga ito nauna na siyang pumasok sa bahay ako naman ay inasikaso na yung mga gamit.



Pagkapasok pa lang namin sa bahay kaagad na ko sinalubong ni Chow-chow naalala ko tuloy si Cheska kamusta na kaya ang babaeng iyon sila na kaya ni Kyriem? Wala na kong balita sakanilang dalawa simula nung nangyari sa Haven's Cafe. Kamusta na kaya sila ngayon?





When You Fall In LoveWhere stories live. Discover now