Chapter 2

145 27 0
                                    

"Meet the CEO"







***







Sienna's Point of View









Ang aga ko nagising dahil pupunta pa ko ng kumpanya nagbihis ako ng pormal na damit para sa interview ulit.



Para saan? Para-meet lang naman namin yung pinaka "boss" nung kumpanyang pinag-applyan ko kumain na ako at kaagad nagayos ng mga gamit na kakailanganin ko siyempre ang sarili ko.





'Just be yourself, Sien. Fighting!' sabi ko sa sarili ko nilock ko na itong pintuan ng apartment kasi itong nirentahan namin ni Cheska kahit maliit lang ito na kasya for two to three persons.





Nagapara nako at sumakay na ng taxi mga seven thirty five na pala mabuti nalang at sakto lang ang dating ko roon.







***








Si Mr. Alcantara nga pala yung boss nila sa ngayon pero hindi pa niya pinapakilala kila Cheska kung sino ba yung pinakahead nitong kumpanya nila kaya nga pinaghahanda kami kasi yung mismong pinakahead ng kumpanya yung magtatanong saming mga mag-aapply.






Medyo kinakabahan ako tinawag isa-isa yung mga pangalan ng iba yung naunang babaeng lumabas ay mukhang dismayado ang kanyang itsura.






"Ms. Dela Fuente, your next." tawag sakin ng assistant.





*inhale* *exhale*





Kaya mo iyan, Sien. Aja! Fghting! Pinihit ko na itong door knob at naglakad na ko patungo kung saan nakapuwesto yung pinakaboss nila nakatalikod siya sakin habang nakaupo sakanyang swivel chair.





"Name?" malamig niyang sabi sakin.



"I'm Sienna Kate Dela Fuente po, Sir." magalang na sagot ko rito.





"Bakit mo gustong mag-apply bilang assistant ko?" siya.





"Uhm, kasi po gusto kong matustusan ang pagaaral ko, first year college na po ako. I'm independent to my family para tumayo sa sarili kong mga paa."




"Hmm, so?" bigla siyang humarap sakin at mabuting sinuri ang resume ko.






"Sienna Kate, bukas kailangan mong bumalik dito at ipakita sakin kung karapat-dapat kang maging personal assistant ko. Is that clear?" masungit pa na sabi niya. 





"Yes, po. Thank you so much, Sir." nakangiti kong sabi may tumawag sa telepono niya at lumayo sakin nakapwesto siya sa may bandang glass window ng opisina niya.






Tinignan ko pa kung ano yung nakalagay sa harapan ng table niya ang pangalan niya na nakalagay sa babasagin na mahaba sa harapan niya.



Bryce Adrian Gonzales
CEO







Nakakunot ang noo ko ng mapatingin sa pangalan niya iniisip ko kung kilala ko ba siya o hindi kung nagkakilala na ba kami dati? Tinignan ko pa ulit yun ng mga ilang minuto.







"Hey, Miss? Is there something wrong in my name?" tanong niya.






"Ah, wala po." sagot ko at nagpaalam na sakanya bago lumabas ng kanyang opisina.



To: Cheska
Hey, Cheska!
Andito ko sa lobby inaantay ka.
Nameet ko na yung pinakahead nitong kumpanya pinababalik ako bukas.




From: Cheska
Talaga?
Andiyan na pala si Boss hindi man lang nagsabi. Sana matanggap ka bukas galingan mo ah! Fighting.





Gagalingan ko talaga pero kabado pa rin ako at the same time!



From: Cheska
Don't worry andito lang ako sa tabi mo.
Okay?




Sumakay na ko sa elevator at pinindot ito pababa ng ground floor kinakabahan ako para bukas sana matanggap talaga ko nakakapagtakha lang na parang pamilyar yung pangalan ng c.e.o na iyon. Ugh. Nevermind!



'Sien, focus on your job, okay? Ito na yon baka para sayo na itong trabaho na ito.'




Bahala na bukas.





***




Andito ako ngayon sa kwarto ko nakaharap sa laptop ko nagsearch ako ng gagawin kung paano mag-act tungkol sa pagiging personal assistant ng boss. I'm so thankful kasi andiyan si Google kasi kailangan ko ng tulong niya salamat nalang at naimbento siya hahahaha!




Sinulat ko sa small notebook ko ang dapat kong gawin, ininom ko muna yung hot chocolate ko na may marshmallow na hinanda ko ng matapos akong gawin ang mga dapat kong gawin ay nagpasya na kong matulog sa kama ko.






Ipinikit ko na aking mga mata at hinayaang makatulog ang aking sarili.






Matatanggap kaya ako sa magiging trabaho ko?









Sana naman, oo.








Hay nako bahala na makatulog na nga.

When You Fall In LoveWhere stories live. Discover now