Chapter 25

64 22 1
                                    

"Her Long Time Friend."



***



Continuation.





Sienna's Point of View







"Brandon? Nakauwi kana pala?" pinaupo siya ni daddy sa sala hinayaan niya muna kaming magusap na dalawa si Cheska naman ay inusisa si Mommy sa kusina dahil siguro na din sa presence ni Brandon.


His name is Brandon Dean Escueta. He's my friend in high school. Magta-tatlong taon narin noon. Nang huli naming kita.




Anak ng isang kilalang may ari ng mamahaling clothing brand si Brandon dalawa silang magkapatid si Ate Brenda ang panganay pangalawa naman siya kakilala rin ni Daddy at Mommy ang mga magulang ni Brandon pinagkasunduan dati ng pamilya namin na ikasal kaming dalawa masyado pa kaming bata noon ni Brandon kaya hindi natuloy ang kanilang planong pagpapakasal samin.



At ngayon na bumalik siya dito sa Pilipinas. Ano kayang dahilan ng paguwi niya dito? Tinawag na kami ni Mommy para sa dinner nafe-feel ko ang tensiyon sa bawat tinginan ni Cheska at Brandon.





Alam niyo ba kung bakit? Nung high school kasi malapit samin itong si Brandon simula ng ligawan niya ko doon na nagalit ng matindi si Cheska kay brandon kasi di naman ako ginawang prioridad ni brandon ang masaklap pa dito habang nililigawan niya ako nakita siya ng ibang estudyante na may kalandian na cheerleader na si Vivian kalat na kalat kasi sa buong school noon na nililigawan ako ni Brandon pero simula noon, iniwasan ko na siya tuwing nagkikita ang mga landas namin may guilt pa naman ako kahit papaano lalo na kapag nakikita ko siya naalala ko lang yung mga nangyari na iyon.




"I heard na mag stay ka muna dito for good?" nakangiting sabi ni Mommy kay Brandon.




'Oh no! Ito na naman ang kadaldalan ni Mommy nagsisimula na!' ramdam kong hindi maganda ang atmosphere na namamagitan dito sa dalawang ito kaya napagisip-isip ko na ipunta si Cheska sa garden.



"Ano ba naman 'yan! Bakit kasi andidito pa yan?!" inis na sabi ni Cheska sakin. Ang oa nito! Affected na affected sa nangayari samantalang siya lang naman yung taga-kolekta ng mga binibigay ng manliligaw ko pero huwag na natin isali yung kay Bryce akin lang mga iyon hahaha!





"Hindi ko alam kay Daddy." sabi ko sabay iling.




"Pakisabi nga kay Tito pakialis na nga yung lalaking yon!" inis na sabi ni Cheska.




"Wushu! Kunyari ka pa nagustuhan mo rin noon si Brandon. Ikaw ha, Cheska! Kaya ka ganyan no?" sabi ko sakanya.





"Hoy! Sienna Kate! For your information, wala akong gusto doon nung mga highschool pa tayo gosh! Tuwing nakikita ko siya naalala ko lang yung mga ginawa niya sayo lalo na yung—" nahinto ang susunod na sasabihin ni Cheska ng dumating si Brandon at nagsalita.



"Kaya nga ako nandito para manghingi sana ng sorry sainyong dalawa lalong-lalo na sayo, Cheska. I'm really sorry kung nasaktan ko yung kaibigan mo. Sorry." He said with a warm smile on his face.



"Aba, dapat lang! Kung hindi ba naman ako takbuhan nitong si Sienna sa may dorm ko kasi nga nakita ka na may nakikipaglandian ka sa cheerleader na babaeng yun! E'di sana ngayon friends parin tayong tatlo." sabi ni Cheska na halatang naiinis kay Brandon kulang na lang ambahan niya ng suntok sa mukha itong si Brandon sobra kong na appreciate si Cheska nung time na yon until now kasi grabe siya magprotekta bilang kaibigan sakin. 



"Pasensiya kana kay Cheska, Brandon ah. Hahaha!" natatawa ko pang sabi.


"Anong pasensiya pasensiya! Hoy! Sienna Kate Dela Fuente! Tumigil ka nga diyan! Ano ba?!"  hinila ko lang naman siya sa damitan niya. Paano ba naman kasi sabat ng sabat di naman siya ang kausap nitong si Brandon.


When You Fall In LoveWhere stories live. Discover now