Kabanata XVI

1.4K 42 4
                                    

Chapter 16

Third Person's POV

Nagulat ang lahat ng biglang umakyat si Sir Merca sa entablado."Hindi, hindi siya ang tinutukoy ni  Karen, hindi  mamatay tao si sir." takot na takot na turan ni Ina sa kanyang nakita.Kanya-kanyang bulongan ang mga tao sa gymnasium dahil sa pag-akyat ni Prof. Merca.

"Ibaba, mona siya Karen. ibaba mona si Drew, nandito na ako at ako nalang ang patayin mo." malumanay na wika ng profesor na parang nahihiya sa kanyang ginawa. Gulat na gulat ang lahat dahil sa sinabi ng profesor hanggang sa,

"Tama nga ako ng inakala, at mabuti naman inamin mo ang lahat. Ang kapal din ng mukha mo Dave at nagawa mopang saktan at patayin ang nanay  ko. Isa kadin sa mga taong nagpahirap sa akin sa unibersidad na ito. Tapos ng lahat-lahat na ginawa mo sa akin, binaboy mo ako at kinuha mo ang pagkababae ko. Dave, matatangap kopa sana kung ako lang ang sinasaktan mo pero pati si nanay. Pati si nanay ay dinamay mopang hayupak ka.Pinatay mo siya, Pinatay mo ang nanay ko. Kaya ang dapat sa inyo mamatay, mamatay!" malakas na sigaw ni Karen na katulad ng dati na hindi parin nila ito nakikita.

Napakabilis nang mga pangyayari, biglang may isang taong bumagsak sa sahig ng gymnasium. Si Drew.  Si Drew ang taong bumagsak na kanina pa'y nakalutang lang ito sa iri. Dali-dali namang tumakbo sina Ms Vega, Roel at Ina sa kinaroroonan nito. Nagulat nalang sila ng mabutan nilang patay na ang binata dahil sa lakas ng impact ng pagkahulog.  Nagsisilabasan ang mga mapupulang likido nito sa ulo.

Ina's POV

Wala na si Drew. Patay na siya. Akala ko tapos na ang lahat, akala ko matatahimik na ang buhay namin. Pero bakit pa ito nangyari sa amin? Bakit?Biglang bumukas ang gate ng gymnasium, dali-dali akong hinila ni Ms Vega nang matanaw niya ang pagbukas nito. Nagsitakbuhan ang lahat na parang mga kabayo sa karerahan. Sasama na sana ako sa kanya ng bigla akong pinigilan ni Roel.

"Ina, huwag kang lumabas, dito muna tayo  hindi tayo susuko lalaban tayo. Ililigtas pa natin si Sir Merca" suhestiyon ni Roel sa akin.

Hindi na nakapagtiis pa si Miss Vega ng marinig niya ang pagtutol ni Roel. Walang siyang pagdadalawang tumakbo palabas sa kinaroroonan namin. Nagsitakbuhan nadin ang lahat palabas.

Hanggang sa biglang may sumabog na isang parang bomba sa labas nito kung saan naroroon ang mga ibang taong lumabas sa lugar.

School Bell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon