Kabanata VIII

4.8K 92 15
                                    

Chapter 8:

Cassie's POV

Papalapit na siya sa akin, halos hindi na ako makahinga  dahil sa takot na nararandaman ko ngayon. Bakit hindi ako makapagsalita? Anong nangyari sa akin? Please, panginoon tulungan mo naman ako. Alam kona hustisya, Ou justice nga ang sagot. Sa wakas alam konadin ang sagot pero paano? Hindi ko masabi sa kanya ang tamang sagot, hindi ko kayang maigalaw ang aking mga labi. Bakit ako nagkaganito? Ou, tama nga. Epekto to kanina sa ininom kong pang paralisa sa bar. God, bakit ngayon kopa naisip?  Bakit ngayon pa ito gumana na kailangan kopang makita si Ina.

Isang malakas at malamig na hangin ang humaplos sa aking katawan. Ngayo'y awang-awa ako ngayon sa mismong sarili ko. I pitty my self of what happened to me right now. Kailangan kopang mag explain kina Ina at Roel sa nagawang kasalanan ko sa kanila. Kailangan pa nila akong makitang buhay. Napapikit nalang ako sa aking mga mata at umaasang panaginip lang ang lahat na mga nangyari pero nang pagkurap ko'y isang nakakatakot na babae ang tumambad sa  aking harapan. Pulang-pula ang mga mata nito na para bang galit na galit dahil sa klasi nang kanyang pagkatitig sa akin. Napakapamilyar niya, sapat na ang hugis ng kanyang mukha para makilala ko siya. Sa amin dito unibersidad siya lang ang merong ganitong perpektong hugis ng mukha. Isang perpektong parabola. Siya nga, siya nga. Siya si Karen. Si Karen na tinuring kong kaibigan  noon . Si Karen na namatay ng mga ilang taon pa ang nakalipas. Si Karen na isa ako sa dahilan ng pagkamatay niya. God, naghihiganti naba siya sa aming mga ginawa sa kanya. Tatakas pa sana ako pero hindi ko magawa dahil hindi mismo maigalaw ang sarili kong katawan. Hanggang sa nasaksak na niya ako sa kanyang hawak na matalim na kutsilyo.

 

 

 

Cassie's TIME OF DEATH: 4:00 A.M

 

 

ANG UNANG ARAW NG EXAM

Roel's  POV

"Good luck every one, sa mga magti-take ng midterm exam ngayon!" napakalakas na anunsyo ng speaker ng unibersidad namin. Nagkakaguluhan  na ang lahat na mga estudyante sa buong paligid na para bang may programa ang buong unibersidad. What the f*ck! sana makapasa ako sa mga exam namin. Sana hindi yun magkatotoo  ang mga sinasabi sa amin ni Sir Merca.  Langya, pati Lovelife kopa nadamay.

Nakarating din ako sa tapat ng silid namin. Ang ipinataka ko la'y bakit nagkakaguluhan ang mga ibang estudyante sa hallway ng silid namin. May masamang bagay na naman bang nangyari? Si Ina, si ina. Nasaan si Ina? Kailangan ko siyang mahanap baka may masamang mangyari sa kanya. Naging bato ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakasulat sa monitor ng hallway. Mga listahan ng mga nominadong  top student's ng buong unibersidad ang nakasulat rito. Diko mapigilang mapangiti dahil kahit papaano'y im one of them. Kasali ako sa listahan ng mga matatalinong estudyante ng isa sa pinakasikat na unibersidad sa buong mundo. At ang mas lalo kopang ikinasaya ay nangunguna sa buong unibersidad ang pinakakamahal kong babae, si Ina. Siya parin ang leading ng buong unibersidad. Napakatalino talaga ng girlfriend ko. Girlfriend? Girlfriend paba ang tawag sa amin  matapos ang lahat lahat na mga nangyari sa amin ni Cassie.

School Bell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon