Kabanata VII

5.3K 93 38
                                    

Chapter 7:

Marie's POV

Tumunog ng napakalakas ang bell nang paaralan para sa prayer Vigil na gaganapin ngayon sa gymnasium. Lagot magsisimula na, kailangan konang makapunta doon. Nang pagkarating ko sa aking distinasyon, mga nag-iiyakang mga tao agad ang tumambad sa aking mukha. Balot ng ingay ang buong lugar dahil sa mga hindi kapani-paniwalang nangyari nong mga nakaraang araw. Agad hinanap ng aking mga mata sina Ina hanggang sa natagpuan kodin ang kinaroroonan nila, agad ko naman  sila pinuntahan.

Pormal na nag umpisa ang Prayer vigil  sa nasabing lugar. Isa-isa kaming tinawag ng pari sa entablado ng gym para magbigay nang huling mensahe para sa mga kaklase naming  mga pumanaw. Si Drew ang unang umakyat sa entablado para magbigay ng huling mensahe kina Liza at Jenny.

"Guys, alam kong napakabata pa nen'yo para mawala dito sa mundo. Alam kong katulad ko'y may mga pangarap din kayo sa inyong mga buhay.  Ganyan talaga ang buhay minsan parang gulong, gugulong-gulong lang ito sa daanan hanggang sa masira ito na hindi natin alam. Para lang yang tao, we don't know kung kailan ang katapusan natin dito sa mundong ibabaw. We're  just only leave in this world once. Though it really hurts to us na namatay kayo na hindi kapani-paniwala, but don't worry jen and liz habang nabubuhay pa kami dito sa mundong ibabaw hahanapin at hahanapin namin ang hustisya ng pagkamatay ninyo. We will assure to you both na magbabayad sa amin ang pumatay sa inyo." maemosyonal na mensahe ni Drew na agad namang nag alay ng mga bulaklak sa dalawang kaklase naming namatay.

Hindi ako iiyak, Hindi talaga ako iiyak, pero kahit ano pamang gawin ko parang may sariling mundo ang aking mga mata dahil sa likidong tumutulo galing dito. Sumunod namang umakyat si Ina sa entablado ng gym para naman sa kanyang huling mensahe kina Jenny at Liza. "Jenny, na tinuring konang parang isang kapatid dito sa unibersidad at Liza, na isa ka sa tumuro sa akin kung paano maging tunay na kaibigan kahit hindi naman talaga tayo gaano ka close sa isa't isa. Ou, napakasakit para sa amin na biglaan kayong nawala sa aming mga piling. After how many years tayong  magkasama dito sa unibersidad alam kong marami na tayong mga masasayang bagay na pinagsaluhan. We're all together in good time and bad momments. But guys, kahit ano pamang gawin namin we all know na hinding-hindi na namin kaayo maibabalik dito sa mundo but, let me thank to all your company with us guys. Nawala man kayo dito sa mundong ibabaw pero ang mga ala-ala ninyo'y  kailanman hinding-hindi mabubura sa aming mga isipan. Lastly, sana masaya kayo ngayon kung nasaan man kayo." mensahe naman ni Ina na lumuluha na.

Maging ngayo'y balot na balot padin nang iyakan ang buong lugar dahil sa mga huling mensahe na iniwan  namin sa kanila.  Mahanggang ngayo'y hindi parin nagbabago si kurt magmula nang namatay si jenny. Nagwawala parin ito habang umiiyak. Pinabayaan naman siya ng lahat sa kanyang ginawa.

School Bell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon