Chapter 21: Let's Runaway?

5.6K 163 40
                                    

"Gising na!. Nakainom ka ba kagabi, ha?." tinanggal ni Jillian ang kumot na nakabalot sa'kin.

Pakunwari akong nag hikab at kinusot ang mga mata ko."Anong oras na ba?." 

"8 A.M na po. Saan ka ba kasi nanggaling kagabi? Nawala ka nalang bigla." ang totoo kanina pa talaga ako gising. Dalawang oras nga lang ata ang tulog ko dahil hindi matahimik ang utak ko sa pag-iisip. Madaling araw na din ako nakabalik sa hotel dahil nag stay ako sa garden ng resort na tinutuluyan namin. 

Ngumiti lang ako kay Jillian at tumayo na sa kama para mag bihis. Ayoko ng sagutin yung mga tanong tungkol sa nangyari kagabi dahil baka madulas ako at maikwento ko lang ang mga bagay na hindi na dapat pa kinukwento.Pakiramdam ko napaka makasalanan ko dahil sa nangyari.

"Oo nga pala. Kanina tumawag si Adam sa'kin kasi hindi mo daw sinasagot tawag nya. Itext mo na tapos sumunod ka nalang sa baba para kumain ha?Hihintayin ka naman 'dun." lumabas agad si Jillian sa kwarto namin. Kinuha ko ang cellphone ko at bumungad sakin ang halos 100 missed calls at mga texts na karamihan ay galing kay Adam.

'Yeobo, how's Boracay?I miss you. Come back soon.'

'Why arent you answering my calls?I want to hear your voice, please.'

'Yeobo, where are you?please call me as soon as you read this message. We're cool, right?I love you." 

'Yeobo?please answer my call. Im sick worried here.'

'Yeobo, I love you.'

Parang pinipiga yung puso ko dahil sa mga texct ni Adam. Hindi sa galit ako sa kanya, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko. Oo, naiinis ako dahil hindi siya nagsabi kaagad sa akin lalo na at sya ang nakakaalam kung ano yung pinagdaanan ko noong iwan ako ni Kris. Pero kapag naiisip ko yung dahilan niya, mas naiinis ako sa sarili ko. He loves me. He loves me so much and he's afraid of losing me.

Yes, I love him too. S'ya yung taong hindi nagsawang mahalin ako kahit na ang hirap hirap ng sitwasyon ko. S'ya yung taong inintindi ako kahit na napakagulo ko. Higit sa lahat, sya yung tao na hindi ako iniwan 'nong halos mawala sa'kin ang lahat. 'Nong halos masira yung mundo ko dahil sa pag-iwan sa akin ni Kris.

Pinigilan ko ang sarili kong tawagan si Adam. Gusto kong marinig sa kanya lahat lahat ng personal. Ayoko 'din na pairalin muna ang galit at inis ko dahil sa paglilihim sya sa akin. Mababaw lang 'to kumpara sa mga nagawa ko sa kanya.

Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at shorts. Kakain palang namin kami ng agahan ngayon at saka maghahanap ng activity na pwedeng gawin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, dang it, i look like a zombie. Ang laki ng itim sa ilalim ng mata ko. Agh! Si Kris talaga may kasalanan nito!.

Bigla akong napahawak sa labi ko. Ahhh! gusto kong batukan ang sarili ko kapag naalala ko yung nangyari kagabi. Ang tagal ng halik na 'yon dahil ATA sa akin. Ata dahil nawala na ako sa katinuan at sa sarili ko. Hindi ko na alam kung bakit sumagot din ako sa bawat galaw ng labi niya. 

'"Please fight with me again. Take a risk and try it again, Melody." pagmamakaawa nya. Pinunasan nya ang mga luhang patuloy na lumalabas sa mga mata ko.

Pinagdikit nya ang mga noo namin. "Please, be with me." but instead of answering him, I reached for his lips and claim it again.

His words, they're intoxicating me. And that lips--oh don't let me mention that cursed lips again. 

"You are crazy." bulong ko sa sarili ko. Yes I am hell crazy. Malala pa ako sa nakainom at hindi ko na alam ang ginawa ko. Masyado ata akong nabigla sa mga nalaman ko at nauna na ang emosyon ko bago mag-isip sa dapat gawin. Kaya hindi ko alam kung papaano ako haharap ngayon sa kanila, sa mga kaibigan ko at kay Adam. 

It's Gotta Be You (IHYS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon