Chapter 12: even feelings do change

7.1K 147 32
                                    

"Sa dinami dami ng nag comment 'don, ikaw lang nireply-an n'ya. Malamang alam mo nga." nag dikwatro pa ito sa tabi ko at inilapit ang kanyang upuan sa table ko. "MMDA...MMDA...Traffic enforcer na classmate mo dati?O baka naman, may instance na magkasama kayo ni Sir tapos nahuli s'ya ng MMDA?Am I right?Am I right?." patuloy lang sa panghuhula si Jillian ng kung ano ano na maari niyang mai-connect sa 'MMDA'. 

Pagpasok ko palang ng office, sinalubong aga n'ya ako ng mga tanong tungkol sa comment ni Kris sa status n'ya. At sigurado daw s'ya ngayon na may alam na ako sa naging 'love life' ni Sir noon. Nakakainis dahil artista ba si KK--I mean si Kris para maging masyado syang curious dito?I don't get it.

Sa sobrang inis ko ay tinignan ko s'ya ng masama. Agad naman syang napaatras at halatang natakot sa mga tingin ko. "Be honest, do you like Sir Kris, Ms. De Leon?." itinaas ko ang kilay ko at nag cross-arms. Pero mas kinagulat ang reaksyon nya. God, namula sya at nahiya! I can't take this.

"W-wag kang maingay, friend. Ikaw naman, crushie lang. Masama ba 'yun?Loyal ang puso ko ng kaunti kay Fafa Adam." maloko nitong sagot. Pero ramdam ko pa din ang kaba sa boses n'ya. Napa buntong-hininga nalang ako sa kanya. Jillian, seriously?Lahat nalang?. 

Sakto naman ay tumunog na ang cellphone ni Chen. Ito ang signal namin na lunch break na namin. Kadalasan kasi ay hindi na namin namamalayan ang oras at nale-late na kami ng kain. Napagdesisyunan naming mag lunch out sa katabi naming fast food restaurant. Nakakasawa na din minsan ang pagkain ng canteen.

"Where are you going.?" palabas na kami ng office ng bigla kaming tanungin ni Sir Kris. Agad akong napayuko at napaiwas ng tingin dahil sa mukhang sa'kin sya nakatingin at nagtatanong.

"Lunch out po, sir." si Chen na ang sumagot dahil nahalata nya sigurong wala akong balak mag react sa tanong ni Kris.

"Wait for me,then. I'll go with you." ngumiti ito at muling pumasok sa opisina nya upang patayin ang kanyang laptop at may kunin na kung ano sa bag nya.

Napairap nalang ako at naunang maglakad papuntang elevator. Hindi naman sa ayokong kasama namin s'ya pero naiinis ako sa mga ginagawa at kinikilos nya. Like, really?sorry pero bullsht lang talaga kasi. Ayokong maging assuming pero yung gestures n'ya at mga salita, para bang may gustong iparating.

After all these years?para syang zombie na bumangon at nagparamdam ulit. Now I know how Ate Harmony feels 'nong bumalik si Kuya Mark. Mahirap at ang complicated. Dahil kahit di pa n'ya sinasabi sa'kin ang gusto nyang mangyari,sa kilos palang at salita nya, kuhang kuha ko na. At ayoko nito. I know myself enough. And I know how weak my heart is.

Nauna akong pumasok sa fast food restaurant na kinakainan namin at namili ng upuan. Mabuti nalang at hindi pa masyadong crowded dito. Pinili ko ang upuan malapit sa counter para madali kaming maka-order. 

Umupo agad sa kanang upuan sa tabi ko si Jillian. Huling pumasok si Sir Kris at Chen dahil may kung ano pa silang pinagku kwentuhan. Napatingin ako sa mga upuan sa table namin at halos mainis ako ng makita kong saktong dalawang seat nalang ang walang nakaupo. Isa ay right side ni Jillian at isa sa left side ko. As usual, umupo si Chen sa tabi ni Jillian.  

"May nakaupo ba?" mahinang tanong sakin ni Kris. Umiling lang ako at agad itinuon ang pansin ko sa menu sa harapan. Nakita ko ang kanyang pag 'smirk' bago tuluyang maupo. Whatever.

"Anong kakainin mo, Melody?" tanong ni Danica na isa pa naming kaibigan galing naman sa Treasury Dept.  Ilang minuto palang ang lumilipas pero may order na agad sila? Gutom na gutom lang 'din?

"Uhm,wait lang. Wala pa kong maisip." sawa na kasi ako sa chicken pero ayoko din naman ng hotdog sandwich dahil lunch ito at kailangan heavy meal ang kainin ko.

It's Gotta Be You (IHYS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon