Chapter 14: Another 'yes'

6.6K 139 41
                                    

Madali kong tinapos ang trabaho sa araw na 'to. Halos 'di na nga ako nakakain ng maayos kaninang lunch ng magtext si Yannie na ngayong araw na ang pagsusukat para sa mga damit na isusuot sa kasal nya. After dinner kasi ang usapan namin pero since until 7pm kami ngayong araw, kailangan kong magmadali para makahabol sa kanila.

"Jillian, pakibigay nalang ito kay...alam mo na ha?Tapos pakisabi umalis na ako ng maaga." iniabot ko sa kanya ang isang folder na laman ang report na ginawa ko. Lumipas ang isang linggo simula 'nong mag-usap kami ni Kris sa plaza ng kanilang subdivision. At simula 'din 'non, mas lalo akong naging mailang sa kanya. Kaya kapag may kailangan ako sa kanyang ibigay, pinapaabot ko ito kay Jillian. Mabuti nalang at nakakaramdam sya sa pagka-ilang ko at di na din ako kinakausap.

"Oo na po Ma'am. Ginawa mo pa akong messenger." umirap ito sa akin at padabog na inilapag ang folder sa kanyang table. Natawa lang ako sa kanya dahil alam kong gusto din naman nya na nakakalapit kay sungit. 

Nilapitan ko sya at inakap ng mahigpit. "Ikaw naman, minsan lang ako manghingi ng favor." malambing kong sabi sabay akmang hahalikan ang kanyang pisngi.

"Yuck yuck yuck. Hindi ako tomboy lumayo-layo ka na nga sa'kin. At isa pa, 'bat yung favor ko 'non na dinner date with Fafa Adam 'e di mo mapagbigyan?. Once in a lifetime lang naman 'yon." this time ako naman ang inirapan sya at naglakad dire diretso papunta sa pintuan palabas ng office. Rinig ko ang pagtawa ni Jillian sa pag-alis ko. Palagi nya akong kinukulit tungkol sa isang dinner date lang daw kay Yeobo! Ayoko nga, mapagbigay ako sa lahat ng bagay pero exception 'don ang boyfriend ko!.

"Where are you, yeobo?" agad akong tinawagan ni Adam ng tinext ko sya na nag out na ako sa opisina. Pinagtawanan pa nya ako 'nong sinabi ko sa kanyang ikakasal na si Yannie at Sean dahil huli na daw ako balita!.Kainis. Mukhang matagal na itong binalak ni Sean at kinasabwat ang mga kaibigan nya.

"Turn around, Mr. Mercado." malambing kong sabi. Nakita ko syang nag-aantay kanina pa sa tapat ng malaking vase dito sa gilid ng elevator. Isang matamis na ngiti at akap ang isinalubong nya sa'kin. Hinalikan pa nya ng marahan ang noo ko bago ako pakawalan sa yakap nya.Hay, sarap magpaakap nalang forever kung ganito ba naman kalambing ang taong aakap sayo. Hinawakan nya ang kamay ko at kinuha ang bag na dala ko. Ang PDA namin, kainis. Kakilig lang.

Papalabas na kami ng lobby ng biglang tumigil si Yeobo sa paglalakad. "Something wrong?." tanong ko sa kanya pero hindi man lang sya umimik.

Agad akong napatingin sa direksyon na tinitignan din nya at nakita ko ang....asawa ni Kris?. Nakasuot ito ng simpleng black dress. Tinignan nya ang mga kamay namin ni Yeobo na magkahawak at saka ngumiti ng pilit. Ngumiti lang din ako sa kanya at hinila na si Yeobo palabas ng office. 

"Naaalala mo ba sya?" tanong ko sa kanya habang inilalagay ang aking seatbelt. Isinuot na muna nya ang susi ng sasakyan bago tumingin sa akin na tila kinakabahan?. 

"Uhm, yup. Naalala ko pa. Let's go?" mabilis nyang pinaandar ang sasakyan. Nagtataka ako dahil ang alam ko, hindi matalas ang memorya ni Yeobo. Hindi siya madaling makaalala ng mga taong isang beses palang nyang makita. Tsk, bahala na nga. 

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa boutique ni Ate Harmony. Nandon na silang lahat at inaantay kami. After magsukat nalang daw kumain dahil lalaki ang tyan namin, according to my ever maarte friends.

"Finally! Tagal nyo po ah?. May ugat na kami dito." salubong samin ni Yannie. Agad itong tumayo sa kinauupuan nya. Di sya talaga excited.

"Sorry. Traffic 'e. congratulations by the way. " si Adam na ang sumagot kay Yannie at inakap ito. Nakipag high five din ito sa mga kaibigan nya samantalang ako naman ay nakipag beso-beso sa mga bestfriends ko. 

It's Gotta Be You (IHYS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon