Chapter 16

3.6K 69 1
                                    

--
We're here. Sa bahay ng mga Magalona. Unang bumaba si Elmo para pag buksan ako ng pinto.. Nang may nag text sa kanya. Tinignan niya yun at nakita kong napakunot ang noo niya.

" May problema ba?" I ask.

"Ah. Wala 'to. May emergency lang sa.. school. Yes. sa school. Pakisabi na lang kina Maxx na may emergency ah?"

"Meeting?"

"Yea. S-sort of."

"Uh o-okay." Iba kasi ang pakiramdam ko. Feeling ko he's lying eh.. Pero may tiwala naman ako sakanya.

He kissed my forehead. "I'll fetch you later Love. "

"Sure."  I said. Then pumasok na siya sa kotse niya. Tinignan ko muna siya hanggang sa di ko na matanaw yung kanyang sasakyan. Someone poke me kaya napalingon ako..

"Hey Juls!" Then she hugged me tight. Oh my gosh.

I.CAN'T.BREATHE.

Yea. It's Maxx. "I missed you Juls!"

Hay! Buti na lang bumitaw na siya! Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Me too ate." I smiled.

"Grabe naman yung yakap mo kay Juls kanina Maxx. Halos mamatay na ang tao sayo.! By the way. I missed you too Juls." Then she hugged me. Not that tight.

"Shut up Saab." Maxx said.

I chuckled. "I missed you too Saab."
I said.

Ayaw niya ng ate nagmumukha daw siyang matanda.

"Where's Maq?" I ask.

"Nasa loob with Frank and the kids."

"Eh si Elmo nasaan siya? Akala ko bang magkasama kayo?" Saab asked.

"Nag ka emergency meeting daw sa school ate eh. Pero pupunta naman siya dito mamaya to fetch me daw."

"Ganun ba? Okay lang yan! Tara para makanood na tayo.! I'm so excited!! Manonood tayo ng horror then love story. Then horror nanaman thrn love story ulit." Excited na sambit ni Maxx.

----

Guilt. That's what I'm feeling right now. Wala naman talaga kasing meeting or emergency eh. Jessica texted me a while ago that she's at the hospital. I really need to go dahil wala siyang kasama. On the way na ako sa hospital at nag tanong dun sa isang nurse.

"Miss, nasaan ba dito yung room ni Jessica Cruz?"

"Yung po bang patient na sinugod dito kanina? Nasa room 116 po siya 3rd floor."

"Thank you." Dumiretso na ako sa room na sinabi ng nurse.

I opened the door at nakita ko siyang nanonood ng t.v.

"Ano bang pinaggagawa mo Jessica?!" I've heard na nabangga daw ang kotse niya sa sobrang lasing.

"Oh hello there handsome. Isang text ko lang pala darating ka. " she's smiling. A teasing smile. And I hate it.

"Shut up. Pumunta ako dito para sabihin sayo na hindi na tayo magkikita Jessica."

"Why? Magkikita at magkikita pa rin tayo Elmo. Sa school hindi ba?"

"Ipapatanggal kita kung maaari."

"You can't do that Moe. You're not the owner."

"Yes. I may not be the owner. But my father does." She's shocked. I can see it in her eyes.

"How come?"

I smirked. "New owner perhaps? Last week lang."

"Whatever. Marami ang tatanggap sa akin na ibang school. Pero ito ang tatandaan mo Elmo. Magiging akin ka ulit. I'll make you mine.. Again. Kahit na sapilitan gagawin ko. "

"Wala akong pakialam Jessica. Kahit pa magpakamatay ka ay wala akong pakialam. Hahayaan na kita. At siaiguraduhin ko rin na hindi na ako babalik sayo."

She laugh bitterly. " Talaga? Ganyan ka na ba katigas Elmo Magalona? Don't worry. Di ako magpapakamatay. Kung magpapakamatay man ako, isasama na kita.  O kaya naman ang asawa mo. Hahahahahaha."

"You're insane!"

"Only to you."

"Ganyan ka na ba ka desperada? Hindi na ikaw ang nakilala kong Jessica, Jessica."

"OO! Desperada na ako ngayon Elmo! Dahil sayo! Gagawin ko ang lahat para mapasa akin ka lang!"

"Please Jessica. Let me go. Ikaw na ang may sabi na may asawa na ako. Hindi mo na ako makukuha."

"Makukuha kita Elmo yan ang tatandaan mo. Lumabas ka na."

I sighed. "Wala nang maibabalik Jessica. Paalam."

Umalis na ako. Narinig ko ang kanyang paghikbi. Ayoko nito. Di ako to. Yung sobra sobrang nakakasakit ng tao. Yung mga exes ko dati flings lang eh. Ayaw ko rin naman saktan si Julie. Di ko na alam ang gagawin ko.. Naisipan kong pumuntq na sa bahay nina Mom.

Pagkarating ko don. Dumiretso na ako sa loob.

"Mom?"

"Ay ser! Kayo pala. Wala po si Ma'am. Umalis kasama sina Clara at Arkin. Nasa entertainment room naman ang mga kapatid at kaibigan mo ser."

"Ganun po ba? Sige po."

Dumiretao na ko sa Ent. room. Dahan dahan akong pumasok para di halata. Madilim ngayon. At nanonood ata sila ng horror movie. Mabigla nga. Hahahaha. Dahan dahan akong pumunta sa likod ng sofa. Magkakatabi sina Julie, Maxx, Saab at si Maqui. Si Frank naman nasa singla na upuan.

Lumapit ako kay Julie. Then. Ginulat ko siya.

"WAAAAAAHHHHHHHHH!! TULONG!!!!" Sigaw niya pati ang iba nakisigaw na rin pwera kay Frank. Di ko napigilang tumawa ng tumawa.

"HAHAHAHAHHAHAHAHA."

Bigla naman niya akong piningot. "A-aray!"

"GAGO KA! Halos mamatay ako doon! Huhubels!"

"S-sorry na hon."

"Yuck! Hon ka dyan.!" Ayaw niya kasi yun. Kaya love twag ko sa kanya.

"Haha hindi na po sige na." Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya. Nanood rin kmi ng maraming movies after nun.
.
.
.
.
.
.
Ayan! Ikli lang. Super! May class na kasi ako eh. Isiningit ko lang kasi matagal na akong di nag uupdate. Yun lang thanks for reading! Abangan.

Hashtag: We're Married?! (JuliElmo Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon