Chapter 31

3.6K 97 14
                                    

----

"Bakit ako?"

"Anong bakit ikaw?"

"Bakit ako ang napili mong isama? Gusto mo bang mapatay ako ng asawa mo ng di oras?"

"Eh lahat ng katrabaho ko, may kasama ako wala.."

"Nandoon yung asawa mo."

"May mga kasama siyang ibang clients eh. Pero kung ayaw mo, si Maqui na lang pipilitin ko na lang kahit na busy siya.."

"Ahh. So nagtatampo ka na niyan? Haha."

"Hinde noh! Bakit naman ako mag tatampo?! Ano ka ba naman Sam."

"Hahaha. Sige,sige. Formal?"

"Yep."

"Iba na talaga yang asawa mo, bigatin! Bakit mo ba hinihiwalayan yan? E parang halos lahat ng babae nagkakandarapa diyan. Ilan na nga lang tinira sakin eh."

Hinampas ko naman siya..

"Kapal mo! Atska alam mo naman kung bakit diba? At isa pa, hindi pera ang habol ko."

"Okay. Okay. Aalis na ako. Mag ready ka na. Anong oras ba start nun?"

"Uhmm. 8 pm."

"I'll pick you at 7."

"Okay. Thanks Sam."

"Anything for my bestfriend!"

"Bola! Haha."

"Kailan pa kita binola?"

"Gago alis ka na dyan! Halos araw araw binobola mo ko!"

"Hahahahaha. That's what friends are for!"

Hahampasin ko sana ulit siya pero tumakbo na siya sa kanyang kotse. Buti na lang pumayag siya. Baka kasi ma OP ako dun. Wala pa naman kasi akong friends. Parang isolated area yung dun sa floor namin. Konti lang ang nandoon, mga seryoso pa sa buhay! Hayys. Pero parang di ata tama na siya ang sinama ko? Dapat talaga si Maqui, pero may gagawin daw siya. Gusto ko sanang di na lang pumunta, kaso gusto ni Elmo na nandoon ako. O diba? Masyadong in demand!  Makaligo na nga lang. Btw, it's already 5 pm.

At exact 5:30 ng matapos akong maligo.. I just put some light make up. I'm not a fan of clowns noh. Then I curled my hair and made it a bun like style at nag iwan ako ng kaunting strands sa side ng mukha ko ( A/N: Parang yung buhok ni taylor sa music video niyang 'Love Story') .. Bumili na ako ng gown na isusuot. It's color white na parang may gold/bronze dun sa ibabang parte ng gown at may mga konting crystals at top for designs, it's a tube gown.. Ito kasi ang binigay nung sales lady, sabi niya bagay daw ito for me.. The dress looks so elegant.. Then I wear my silver heels para ipartner dito sa dess. BTW, it's not that long as you think.. Parang yung mga gown na pa fish tail. Pwe! Ano bang tawag dun? Basta yun na yun. Yung fit? And then backless sa likod. I look at myself in a mirror. And then smiled.

"Simple but pretty." I said. Ofcourse may pagka confident naman ako sa sarili ko. Tumingin ako sa orasan and it's already 7 pm. Kinuha ko na yung pouch ko, I was about to text Sam pero may narinig na akong bumusina sa labas. Bumaba na ako then I saw my son playing his toys.

"Hey baby."

Tumingala siya sa akin.

"Hi mommy! Wow you look gorgeous!"

"Thanks Son. By the way, matulog ka ng maaga ha? Mommy will be late ng uuwi mamaya.. "

"Okay mommy. It's a business party right?"

Hashtag: We're Married?! (JuliElmo Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon