Pang-anim

3.5K 95 9
                                    

Habang naglalakad si Misty papasok sa kanilang classroom ay namataan niya ang nakatayong si Sayeh sa may pader na tila hinihintay ang kanyang pagdating.

"Magandang umaga Misty" mahina at nakangising bati nito sa kanya. Kinilabutan siyang bigla sa paraan nito ng pagtitig sa kanya. Huminto siya sa harap nito.

"Sayeh, stop staring at me like that! Ampanget mo!" singhal niya rito ngunit imbes na mawala ang ngisi nito'y lalo iyong lumawak. Napaatras siya saka mabilis na tinalikuran ito.

Wala siya sa mood makipaglokohan dito. Hindi maganda ang naging pangyayari sa loob ng kanilang bahay. Nagpatawag ng albularyo ang kanyang papa saka siya tinawas ng albularyong iyon.

Nakakainis ang baho baho ng tawas na yun eh! Feeling naman nila may magagawa ang huklubang albularyo sa sitwasyon ko duh! Hindi na lang pulis ang tinawag.

Sa inis niya na hindi pulis ang tinawag ng mga ito'y umalis siya habang nagtatawas ang albularyo. Naghanda siya sa pagpasok ngunit nang paalis na siya, pilit siyang binibigyan ng anting-anting ng matanda. Kinuha niya iyon ngunit tinapon rin niya agad sa basurahan nang makarating siya ng eskwelahan. At dahil hindi maganda ang tulog at gising niya'y masama din ang habas ng kanyang mukha. Lalo pa siyang nainis nang si Sayeh ang una niyang nakita.

Naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Nang lingunin niya kung sino iyon ay kumunot ang kanyang noo. Si Sayeh hinihimas ang kanyang braso.

"Ano bang ginagawa mo?" hinila niya iyon ngunit hindi nito iyon binibitawan. "Ano ba! bitawan mo nga ako freak!" ginamit niya ang kabila niyang kamay upang sampalin ito ng malakas. Binitawan siya nito saka siya napaatras. Nakayuko ito ngunit napansin niya ang munting dugo na tumulo sa gilid ng labi nito. Nilabas nito ang dila at walang pasintabing dinilaan nito ang gilid ng labi.

"Freak ka talaga!" Hiyaw niya rito saka patakbong pumunta sa kanilang classroom. Nasa pintuan na siya nang lingunin niya ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang kinkaabahan kapag nasa malapit lamang ito. Nararamdaman rin niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Inangat nito ang mukha at tumingin sa kanya saka ngumisi ulit. Kinakilabutan talaga siya sa paraan ng pagngisi nito kaya pumasok na siya sa loob.

Binati siya nila Samara at Olivia ngunit hindi niya pinansin ang mga ito at dire-diretsong umupo sa kanyang upuan. Iniisip niya pa rin ang nangyari sa kanya kagabi

"Maghugas ka ng braso mo" nilingon niya ang bago nilang kaklase sa sinabi nito. Nakatayo ito sa kanyang tabi.

"At bakit naman ako maghuhugas huh?" mataray niyang tanong dito.

"Kasi dumudugo?" saka nito tinuro ang kanyang braso.

Napalingon siya sa kanyang braso. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dugo roon. Dali dali siyang lumabas ng kanilang classroom at naghugas ng kanyang braso. Dumudugo nga iyon ngunit munti lamang. 

Saan ko kaya nakuha to?

Pag angat niya ng mukha'y nakita niya sa salamin ang nakatayong si Sayeh. Hinarap niya ito.

SAYEHWhere stories live. Discover now