Pang-labing lima

2K 60 5
                                    

"Nagsinungaling ka sakin Sabrina! Ang ritwal na ginawa mo ay para muling mabuhay si Sayeh!" Narinig niyang sigaw sa kanya ni Olivia ngunit wala dito ang kanyang atensyon, kundi na kay Sayeh. Hindi ito gumagalaw. Hindi na rin niya marinig ang hininga nito. Nananatili lamang itong nakadapa sa sarili nitong mga berdeng mangasul-ngasul na dugo.

Anong nangyari?

Nilingon niya ang galit na galit na si Olivia habang tinatanggal nito ang mga tali sa katawan ni Misty.

"Misty, ayos ka lang ba?" malakas na tanong nito kay Misty ngunit hindi sumasagot ang huli, basta lamang itong nakapikit at sunud sunud ang mahinang paghinga.

"Misty! Misty!"

"Dalhin na natin siya sa ospital" bigla siyang nangatog nang marinig niya ang boses na iyon. Ang baritonong boses na matagal na niyang hindi naririnig.

Rodrigo...

Sinundan niya ito ng tingin habang buhat buhat si Misty. Napakalaki ng pinagbago nito. Hindi na niya makita pa ang masayahing binata rito. Wala na ang mga ngiti sa mga mata nito. Napalitan iyon ng talim, galit at lungkot. Ni hindi manlamang tinapunan ng tingin si Sayeh. Tila hindi kilala at sadyang wala nang maki-alam pa.

May hindi tama dito..

**Pak**

Bumalik siya sa katinuan nang sampalin siya ni Olivia.

"Ang sama mo Sabrina! Balak mo pang patayin si Misty para lang sa halimaw na si Sayeh!" saka ito galit na umalis sa kanyang harapan para sundan si Rodrigo.

Patayin... Patayin... Patayin??

Napasinghap siya nang maunawaan ang sinasabi ni Olivia. Muli niyang nilingon ang katawan ni Sayeh saka mabilisang binaligtad. Hinawakan niya ang bagay na iyon na nakatusok sa tapat ng puso nito. At nang mahugot ay unti-unting nagiging abo ang katawan nito.

Hindi maaari ito..

Mabilis siyang lumabas upang sundan ang tatlo ngunit hindi na niya naabutan ang mga ito. Mabilis siyang tumakbo sa libingan ng totoong sayeh at naghukay ng naghukay hanggang sa tumambad sa kanya ang mga buto ng isang busaw.

Ang isang busaw ay hindi nagiging abo kapag namatay.

------------------------------------

Mabilis na sumunod si Sabrina sa kaisa isang ospital sa bayan na iyon. Patago niyang hinanap ang amoy ni Misty. Nasa tapat na siya ng pintuan nang maramdaman niyang may lalabas mula sa loob kaya mabilis siyang nagtago sa duluhan. Nakita niyang lumabas ang buong pamilya ni Misty kasama si Olivia. Rinig na rinig niya ang malakas sa pag-iyak ng mga magulang ng una.

SAYEHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon