Kuya

2.2K 21 0
                                    

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aming bahay upang di magising ang nakakatanda kong kapatid. Alas singko na ng umaga at kelangan ko ng umalis para di ako ma late sa pupuntahan ko.

"san ka pupunta?"
"ay palaka" gulat kong sabi
"bakit bihis na bihis ka sa ganitong oras" dagdag pa niya
"kasi ano kuya."
"ano?"
"ah ah ano po magkikita kami nina malou kuya" sinuri niya ako ng mabuti
"Calley san ka pupunta?" pag uulit niya
"kuya" sambit ko.
"Calley!!!" galit na siya.
"kuya alis na po ako" sabi ko at dali dali akong naglakad pero hinawakan niya ang bag ko kaya napaatras ako.
"ano to ha??" hinalungkat niya at nilabas lahat ng gamit ko
"kuyaaa naman" naiiyak kong sabi.
"bakit ang tigas ng ulo mo" sabi niya alam kong galit na siya.
"kuya akin na yan"
"bakit calley ha??"
"kuya gusto ko to kuya naman" pagsusumamo ko.
"hindi" at kumuha siya ng lighter para sunugin lahat sana
"KUYAAAAA WAGGGG " sigaw ko.
"kuya pagbigyan mo na ako" sabi ko habang kinikuha sa kanyq yung mga papel.
"calley di mo kakayanin"
"kakayanin ko"
"wag kang matigas ang ulo "
"kuyaaa akin na kasi yan malalate na ako"
"di ka aalis ok?"
"bakit kaba ganyan sakin??" di ko mapigilang sabihin. Napatingin naman siya at umiwas ng tingin
"kuya alam kong malaki utang na loob ko sayo pero. pero di mo pwedeng kontrolin ang Buhay ko!!"
'PAK' napahawak ako pisngi ko na sinampal niya.
"wala kang galang" humikbi nalang ako hindi ito ang huli at unang sampal na nakuha ko sa kanya.

Umalis ako ng bahay na di dala ang bag ko

"Te  anong nangyari "/tanong nang kaibigan ko Pagpasok ko ng bahay nila
" si Kuya" nilapitan naman niya ako ng niyakap
"Wag ka ng umiyak araw araw ka nalang umiiyak" sabi niya Shes my best friend since grade school
Pinunasan niya ang luha ko at inayos ang sarili ko
"Ayan mukha ka ng tao ulit"/Biro niya.
" Kinuha niya ulit yung papers"/napabuntong hininga nalang siya

Alam mo te may saltik ata yang Kuya mo eh".
" grave ka naman stress lang Siguro si Kuya " sabi ko
"Bakit kasi di mo nalang tanggapin yung offer ng ate mo punta ka ng manila " dagdag pa niya
"pano si Kuya"
"alam mo te  maiintindihan naman yan ni Kuya mo eh" umiling iling ako
"Di ko siya pwdeng iwan dahil sa kagustuhan ko/.ayokong mating selfish"
"Mali bang tuparin mo yung mga pangarap mo te  Hindi selfish ang ganoon"
"ahmm ano may extra kabang form Jan" pg iiba ko ng usapan
"ou buti nalang talaga labi akong handa haha"
"thankyou thankyou the best ka talaga"./sabi ko Sabay hug sa kanya. For 10years of friendship isa lang masasabi ko para ko na siyang kapatid.

" Goodluck ateng"
"papasa ako dito "sabi ko sa kanya
" sympre ikaw pa"
2hours ang exam kaya matagal tagal din bago ako nakalabas testing area.Medyo mahirap pero keribells lang heheh.

"Oh ano Kamusta" nag OK sign ako sa kanya.Nagtalon talon naman siya.
"sabi na eh kaya mo yan sus chicken" natatawa ako sa kalokohan niya.
"dahil Jan libre mo ako" sabi niya
"eh dapat ikaw manglilibre sakin eh"
"ikaw kaya "
"ikaw"
"sige na nga/ou na" nagtawanan naman kami dahil Sabay kaming pumayag sa huli nag KKB nalang kami.Kanya-kanyang bayad.

"ahhhhhhh" busog ako dun ah
"pareho tayo haha ano uuwi kana ba" tanong niya
"ou eh baka hanapin ako ni kuya eh" sabi ko
"ganoon ba sige hatid kita sa sakayan niyo"

"ingat"
"ikaw din uwi na wag nang gumala" sabi ko sa kanya tumawa nalang siya.
Ano na naman kaya ang aabutin ko nito.

"Saan ka galing"
"Kina malou Kuya" sagot ko
"dun nga ba??" tumango naman ako.
Di na siya muling nagsalita kaya pumasok na ako sa kwarto para magbihis phew kinabahan ako dun ah
Akala ko papagalitan naman ako. Napatingin naman ako sa mga pasa ko sa katawan at ngumiti. Balang  araw maiintindihan  mo din ako Kuya. Makakabawi din ako sayo sa lahat lahat.

"Calley??"
"po Kuya"
"oh" may inabot siyang sobre sakin.
"ano to?"
"buksan mo"  sabi niya kaya sinunod ko ang utos  niya.
"plane ticket???.Kuya?"
"tumawag ang ate mo dun ka daw  sa kanya" sabi niya pero sa iba nakatingin
"okay naman ako dito Kuya eh" sabi ko ayaw ko siyang iwan sa totoo lang.
"Wala na akong trabaho " sabi niya
"EDI ako magtratrabaho kaya ko naman eh" sagot ko
"sa sabado ang sakay mo kaya mag impake kana ng gamit mo" napatulala nalang ako .Kuya bakit? di mo ba naiintindihan?? Ayaw Kong umalis kaya nga diko sinasabi sayo.
"Ayaw Kong umalis" natigil naman siya
"gusto mo maghirap dito?"
"kaya ko naman sa hirap eh." sagot ko umiling iling si Kuya
"Naalala mo nong nasa  manila ka. Nakaya ko naman na ako lang diba nakaya ko ang ilang taon na mag isa . Kaya okay lang kahit mag hirap Sabay naman ako sa hirap" sabi ko
"Doon  sa manila maraming opportunity sayo" sabi niya.
"ayaw ko dun " sabi ko.
"magugustuhan mo dun" umiling iling ako.
"sino makakasama mo dito"
di siya sumagot at umalis.

Nanay calling...

"hello"
"Kamusta na. nak"
"okay lang" sagot ko.
"ang Kuya mo"
"umalis . Kelan ka uuwi?" tanong ko.
"Calley"
"umuwi ka nalang kasi dito samin" sabi ko
"Hindi ganoon kadali yun"
"bakit pano naman ako?? " sabi ko
"Uuwi ako pag nagkataon" sagot niya
"OK bye" pinatay ko agad ang tawag at saka nilabas ang luhang kanina pa gustong tumulo. Bakit nga ba?? Kong andito sana siya EDI sana di ako nahihirapan mg ganito sana maayos kami ngayon. Sana di kami naghihirap.
Sana buo kami kahit papano.

"Kuya punta lang ako Kay tatay" paal ko sa kanya tumango naman siya.
Agad Kong pinuntahan Kong saan siya nakalibng
"hi tay Kamusta nandito naman si bunso mo" sabi ko na natatawa.
"pwde bang gumising ka Jan?? pwde bang bumangon kana lang jan??" naiyak Kong sabi
"Siguro Kong nandito ka baka nandito rin si nanay no??" patuloy ko kahit Alam Kong walang sa sagot sakin.
"Alam mo ba kumuha ako ng exam kanina sympre ginalingan ko Alam ko namang timulungan mo ako dun eh.  Siguro nakita mo rin yung kanina no???"
"Gumising kana lang please. Sana may superpowers ako para buhayin ka. Kong bibigyan ako ng pagkakataon na humiling isa lang ang gusto an bumangon ka Jan at mabuhay ka"
"tatay kasi bakit ka kasi namatay agad??bakit mo ako Iniwan agad"
"tatay bangon kana Jan".
sabi ko Sabay yakap sa libingan niya. Naramdaman ko naman na lumakas ang hangin kaya napangiti.
" Mahal na mahal mo talaga ako tatay. Mas mahal kita" kausap ko sa kanya.
Matapos ang ilang sandali nagpaalam narin ako Kay tatay kasi gabi na dim.

"oh ano iha nandito ka na naman?"
"opo eh "/natawa siya s
" sumagot na ba sayo?" natatawa niyang sabi kaya natawa din ako
"Hindi po eh pero malapit na" Biro ko kaya mas lalo siyang natawa.
"oh siya humayo  kana at gabi na"
"sige po "
Siya si Mang Manor ang bantay dun sa sementeryo kilala na niya ako kasi halos araw araw naandun ako. Minsan nga akala ko sumagot si tatay siya pala muntik na akong mapatakbo sa gulat.
Hay ang gaan  lagi ng Pakiramdam ko sa tuwing nakakusap ko Si tatay Parang mawawala lahat ng dinaramdam ko. Wala man siya sa tabi ko Alam Kong binabantayan at ginagabayan naman niya ako lagi.

Hidden Self.Where stories live. Discover now