Panimula

3.7K 29 0
                                    

Sabi nila sa buhay kelangan mong maging matatag dahil Hindi lahat ng pagkakataon may makakapitan.Minsan ang tanging kakampi mo lang din ay ang sarili mo. Tanging  katulong mo ay sarili mo.

At ang tanging  magmamahal sayo ay ang sarili mo lang din.

In my 18 years of existence masasabi Kong matatag na ako. Kasi nakayanan Kong mabuhay ng mag isa . Nagagawa ko ang Hindi ko dati nagawa . Nagiging  dalawa ako sa dami ng dapat gagawin. Nagin nurse at doktor ako sa sarili ko. Naging  cook ako sa sarili. Naging guro din ako sa sarili. Nagiging kaibigan ko Ang sarili ko .
Sarili ko lang ang maasahan ko sa dalawang taon ko sa Senior high school. Ang hirap ng mag isa pero dahil sa wala kang  magagawa ay matuto kang kumilos sa lahat ng bagay at pagkakataon.

Di ko Alam Kong ako lang ang nakakaranas ng ganito. Walang magulang na mag aaruga at kapatid na tutulong.
Sabi nila maswerte daw  yung bunso. Natatawa talaga ako jan. Kasi bunso daw  paborito ng lahat nasa  kanya ang lahat. Pero nagkakamali sila ang bunso ang pinakamahirap sa lahat dahil siya ang nahuhuli . Napag iiwanan lagi tulad ko lahat ng kapatid ko may mga asawa at pamilya na . Pwera sa kuya ko na siyang nagpapaaral sakin .

Di ko lubos maisip Kong Pano ko naitaguyod ang pag aaral ko ng mag isa. Ou sinusustentuhan ako ng kuya ko pero dun lang yun . NASA malayo siya at Pera lang ang ibinibigay niya sakin. Pagkatapos niya ako na ang bahala sa sarili ko Kong pano maitataguyod sa araw araw.

Minsan nagtanong ang kaibigan ko
"Pano mo nakaya ang lahat"
"I don't have a choice" sagot ko .Yan ang totoo wala akong choice kundi ang ipagpatuloy ang buhay ko kahit gaano kahirap ang sitwasyon.

Itinatak ko sa isipan ko na .Ako at ako lang din ang tutulong at kakampi sa sarili ko.

Hanggang sa umuwi ang kuya ko at doon  niya nalaman ang lahat. Nag asawa ng iba ang nanay at Iniwan ako. Patagal  ng matagal nag iiba ang pakikitungo niya sakin. Pakiramdam ko ako yung sasalo sa lahat ng galit niya sa INA namin di ko naman siya masisisi. Kaso ang mas  masakit hinahadlangan na niya pati ang nais Kong mag aral.

Masasabi ko nga bang matatag na ako?? Kong himahamon na naman ako ng tadhana??.
A/N : ito na siya sisimulan ko na siya.

Hidden Self.Where stories live. Discover now