CHAPTER XXV

17.2K 434 93
                                    

Dedicated to @enika08

Thank you for being such a nice and sweet reader of my stories. Huwag ka sanang magsawa. ❤️


* * * * * * * *


AUTHOR's NOTE:

Few more Chapters then will be hitting the Finalé. I can then start focusing on "Until My Heartache Ends". Salamat sa mga nag-support sa story nila Candy and Benjie it is very much appreciated. Sana support nyo din ang iba ko pang stories. 😉

* * * * * * * *


[ Candy POV ]


"Candy, kumusta ang pagkikita nyo ni Kit? How is she?" My mom asked me as I entered our living room. Naabutan ko sila ni dad dito. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi bago naupo sa sofa.


"The meeting was fine, mom. We had a great time and as for my Bessie, she's blooming and looks so happy." Pagbabalita ko. Kilala ng mom at dad ko si Kit dahil sya ang BFF ko not to mention suki ang mga magulang ko ng kakanin ng nanay nya.


Napangiti si dad. "I am happy for your her. She's like a modern day Cinderella na mula sa simpleng pamilya at ngayon ay ikakasal sa isang kilala at mayamang pamilya. She deserves it anyway being a good hearted girl that she is."


Tumango tango si mom. "Tama ka sa sinabi mo Jaime dahil sadyang napakabait na bata ni Kit kaya hindi na nakakapagtaka na napaibig nya ang isang tulad ni Polo." Bumuntong hininga sya at tinitigan ako.


"What?" I asked her. Yung tingin nya kasi nakakakaba lang.


"Malapit ng ikasal ang matalik mong kaibigan at pagkatapos nun ay bubuo na sya ng pamilya. How about you, Candy? When do you plan do marry?"


I was caught off guard by what my mom said. She's right. Hindi magtatagal at magkakaroon na ng pamilya si Kit and that left me where? Mapapalitan na sya ng status habang ako ay single pa din! Biglang sumingit sa balintanaw ko ang mukha ni Benjamin. Bwisit kasi ang lalaki na yun eh at niloko ako... kung hindi nya sana ginawa yun ay baka ikinasal o ikakasal na din kami.


"When do I plan to marry?" I repeated her question then smiled bitterly. "Wala namang nagyayaya sa akin kaya paano ako magpapakasal?" Sabi ko.


"Will you marry me then, Tintin?" Sigaw ng tinig na kilalang-kilala ko. Nanigas ang buong katawan ko at dahan-dahang nilingon ang makapal ang mukhang nilalang na tumapak ng bahay namin at alukin ako ng kasal.


"Benjamin, what are you doing here?!" I asked incredulously.


Hindi pa ako nakakarecover sa mga pang-iinis nya sa akin kanina. The truth is, matagal ko naman ng alam na sya ang matalik na kaibigan ni Polo, ang fiancé ng Bessie ko at bukas ako sa posibilidad na magkrukrus ang landas namin dahil doon pero ang makita sya kanina para sa hapunan na inihanda sa akin ni Bessie ay talagang nakakagulat. I wasn't expecting to see him that soon! Hindi ako prepared ika nga dahil ng ngumiti sa akin ang manloloko na ito ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. It just goes to show that he still have his effect on me and that I am still in love with him after all these years.


Tumikhim ang dad ko. "We invited him over for the dinner, Candelestine. Your mom and I think that it's long overdue for you to introduce him to us formally. You know as your boyfriend."


To say that I was shock with what my dad said is an understatement. I looked at him as if he grow another head before I shook my head in annoyance when the realization hit me. Hindi nga pala alam ni dad na nagbreak kami ni Benjamin five years ago dahil kay mom ko lang ito sinabi. I was so scared of what he could possible do to Benjamin at that time kaya nga pala nagawa kong pakiusapan ang mom ko na panatilihing sikreto ang bagay na yun. Damn! And wait... dinner? Kakagaling lang namin sa dinner nitong si Benjamin kina Kit at Polo ah. Don't tell me na makikikain din sya sa amin?


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon