CHAPTER XXII

16.3K 416 64
                                    

Dedicated to @IamElleJeey



Thank you for being super nice to me. Yan, fb friends na tayong dalawa. ❤️


* * * * * * * *


AUTHOR's NOTE:


My another story entitled "Until My Heartache Ends" is connected to Katrina Ruiz's baby. The male lead is her son, Tyler Ruiz Alcantara. So if you guys want to read her out going and popular son's melo-dramatic love story, just go to my profile and look for the said title. That will be my first attempt to write such genre. I hope you'll support it too. Thanks in advance sa mga mag-susupport. 😘


* * * * * * * *


[ Candy POV ]


"Benjamin! Bakit busy ang number mo kanina pa ha? Are you talking to other woman?!" I said to him as soon as he answered my call. I am really pissed! Bakit hindi, kung kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya pero busy ang linya nya.


"Ayan ka na naman sa pagiging paranoid." Sabi nya na may kasamang inis ang tinig. Natigilan naman ako at baka magalit sya ng tuluyan sa akin kung patuloy akong magdududa sa kanya.


"I'm sorry na, Benjamin. Hindi na ako magiging paranoid. Eh kasi naman excited akong makausap ka tapos nakailang tawag na ako pero busy palagi ang number mo kaya hindi ko maiwasang magduda. Sorry." Pagpapakumbaba ko. Bigla ay nais kung umiyak. Parang hindi na ako ito ah! Masyado na akong gullible pagdating sa pagmamahal ko kay Benjamin. I shook my head to clear my mind. Hindi ako dapat maging mahina, di ba? Ano ngayon kung tila baliw ako sa pagmamahal sa kanya? Ngayon lang naman ito at hindi katulad ng pagkabaliw nya sa akin simula pagkabata. Napangiti ako sa isiping iyon. Right, Benjamin has been crazy over me since we're kids so it's just fair that I experience the same. Payback time, ika nga.


"What's the matter, Tintin? May sasabihin ka ba sa akin?" Tanong nya sa seryosong tinig. Napapaparanoid lang ba ako o talagang parang hindi sya ang kausap ko. Nasanay akong malambing sya sa akin kahit na nga ba may kayabangan palagi ang dating nya. Bumuntong hininga ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano kay Benjamin dahil mahal nya ako. Napatunayan ko na yan.


"Yes, I have something to tell you, love." I said sounding excited para malaman magka-hint sya na magandang balita ang sasabihin ko. "Alam na pala ni dad na may relasyon tayo at hindi naman sya nagalit. In fact, pumayag syang papuntahin kita mamayang gabi dito sa bahay para makasalo namin sa hapunan at ng pormal na kitang maipakilala sa kanila ni mom. Isn't it great?"


I didn't hear anything from him for a couple of minutes. There was a complete silence on his part. No sigh and not even a gasp! Wala ba syang reaction sa sinabi ko? Didn't he find my news great? Maaari na kaming lumantad ngayon bilang mag-nobyo ah. "Benjamin? Are you still there? Nadinig mo ba ang sinabi ko?" Untag ko sa kanya.


"Uhmm... yeah, I am still here. Nagulat lang ako kaya hindi ako nakapag-react kaagad." Sabi nya sabay pakawala ng buntong hininga. "Tintin, pwede bang sa ibang pagkakataon mo na lang ako ipakilala ng pormal sa parents mo? May importante kasi akong lakad ngayong gabi eh. Hindi ko naman kasi expected na may ganitong balita ka sa akin at isa pa nauna ko ng tinanguan iyon kaya sorry."


Lumaylay ang balikat ko at napasimangot. Nakakainis naman! Excited pa naman akong ipakilala sya ng pormal sa mga magulang ko mamayang gabi pero may importanteng lakad pala sya. Sabagay, mali din naman ako at hindi ko muna inalam kung free ba sya o may schedule sya ngayong gabi.


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon