CHAPTER XIII

18.7K 433 76
                                    

[ Candy POV ]


I went back at our house after the fiasco at Benjamin's condo unit. I had to take a bath and change clothes before going to KyFe Bar. May isang oras din ang nagamit ko bago natapos. Kinuha ako ang purse ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto para makaalis na.


"Candelestine, where do you think you are going at this wee hour?!" My dad asked while sitting in a one seater sofa of the living room.


Nilapitan ko sya at hinalikan sa may ulo. "Dad, I'll be going to KyFe Bar, you know, yung bar ba pag-aari po ni Kyle Ferrer. Don't worry at hindi ako uumagahin dun."


Tiningala nya ako. "Okay, you may go but bear these things in mind, Candelestine. One, hindi ka iinom ng hard drinks. Two, hindi ka uumagahin dun. Three, hindi ka magpapahatid sa kung sinong lalaki. Four, no dirty dancing with some guys. Five, you are not allowed to give your number o kahit ang pangalan mo sa mga manghihingi nito, okay?"


I laughed so hard before nodding my head. "Okay na okay, dad. You can count on me about those things." I said emphasizing the words 'those things'.


"Then, you go ahead now because time is ticking. You have to be home at midnight."


I kissed his head once again then run towards the door shouting. "Bye, dad. I love you."

--------

As I entered the jam packed bar of Kyle ay may namataan akong ilang kakilala. I waved my hands at them and they waved back at me. May dahilan naman pala na ipagmalaki ni Kyle ang pag-aari nitong bar kasi madaming customers. It's kind of a hotspot for yuppies and younger crowds. May live band pa akong nakita sa may kalakihang stage at sa bandang second floor ng bar ay may Dj pa.


"Maam Candy?" Asked a guy. He looked like a bouncer based on his muscular built and attire. I nodded my head at him.


"Yes, why?"


"Boss is in the office and is waiting for you in there. Come, I'll show you the way." He said. Napangiti ako ng maisip na english speaking ang bouncer ng bar ni Kyle. I'm sure na puro primera klase ang staff and crew nya dito.


Naglakad kami at inalalayan nya ako na huwag magitgit ng madaan kami sa mga nagsisisayaw na tao. We stopped at a door which has a signage saying, 'Boss'. May isa pang maskuladong lalaki ang nakabantay sa tapat nito at napangiti ako ng mamukhaan ito.


"Hey Candy, you are looking good. Kailan mo ba ako pakakasalan?" He said and opened the door for me.


"In my next life, Keith." Sabi ko sabay tapik sa braso nya. He is Kyle's younger brother na kasing edad ko at matagal ng nagpapalipad hangin sa akin.


"Sabi mo yan ha. Sige, paghahandaan ko na yang next life mo." Sakay nya sa sinabi ko sabay tawa. "Kuya, nandito na si Candy." Sabi nya sa kapatid na kasalukuyang nakatingin sa mga monitor ng CCTVs ng bar.


Lumingon ito at ngumiti ng makita ako. Tinakbo ko ang pagitan namin at yumakap sa kanya. "Kyle, I miss you so much."


"Iwan ko na kayong magkaibigan at punta muna ako sa bar to get a beer." Paalam ni Keith.


"I miss you too, Candy." He said and returned my hug tightly bago kumalas sa akin. "Nakakainggit ka at mukhang matutupad na ang pangarap mong maging isang ganap na choreographer. Samantalang ako ay..." Bumuntong hininga ito sabay ngiti sa akin bago nagpatuloy, "well, hindi lang siguro para sa akin ang pagsasayaw. Anyway, isama mo na lang ako sa success mo ha."


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon