LVII

3.2K 280 10
                                    

Juliet

Nakaputing uniporme si Nino. Nakayuko siya kasama ang mga kasamahang sundalong naka-asul na uniporme habang hawak-hawak ang mga mahahaba nilang baril at riple at kani-kaniya ng mga pagputok ng baril, samut-saring putok ng mga baril ang umaalingawngaw sa paligid.

Maya-maya pa'y umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril at humandusay si Niño sa lapag, mabilis na umagos ang dugo mula sa tama niya dahilan upang magmistulang pula ang puti niyang uniporme.

"Tinamaan si Niño!" sigaw ng isang sundalo sa mga kasamahan niyang nakadapa nang makita ang pagbagsak sa lapag ng heneral.

Agad akong napabangon na hinahabol ang paghinga ko. Basang-basa ang likod ko ng pawis at ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng malamig na pawis sa noo ko. 

"Are you alright, dear?"

Napalingon ako sa tabi ng kama ko at nakita si Ina. 

"I've come to wake you up and saw that you were having a nightm—" sabi niya at bigla ko siyang hinila at niyakap. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin at kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Sobrang nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang uncomfortable.

"Sshhh... it's just a nightmare, sweetheart. Everything's alright." Himas ni Ina sa likod ko at somehow, I found comfort in her arms. 

Tama, panaginip lang 'yon... na parang totoong-totoo.

Nang umayos na ang pakiramdam ko ay pinaligo na ako ni Ina at pagkatapos ay inayusan. Ibang klase rin 'tong kaba ko. Pakiramdam ko talaga may masamang mangyayari. 

Bigla na namang pumasok sa utak ko ang itsura ni Niño na nababalot sa sarili niyang dugo.

Napailing-iling ako. Panaginip lang 'yon, Juliet. Alam kong blue ang suot na uniform ni Niño nang makita ko noon sa simbahan ang pagkamatay niya dati at... teka, blue ba ang isusuot niya ngayon? 

"What color will Niño wear?" tanong ko kay Ina na abala sa pag-ayos ng buhok ko. 

"Today's your wedding day, sweetheart. I am certain that he will wear white." nakangiting sagot ni Ina kaya nakahinga na ako nang maluwag nang malamang hindi blue kaya hindi pa siya mamamatay ngayon pero hindi rin nagtagal ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

White...

White ang nakita kong suot niya sa gyera noong birthday niya at white rin kanina sa panaginip ko. Posible bang nagbago na nga ang nakaraan kaya nabago na rin ang pagkamatay niya ngayon?

Nataranta ako bigla. Hindi siya puwedeng mag-white or blue! Mag khaki nalang siya!

"Please tell him not to wear white or blue." sabi ko kay Ina kaya natigil siya sa pag-aayos ng buhok ko at napatingin sa akin.

"What are you saying, Juliet?" kunot-noong tanong ni Ina.

"Please just tell him to wear his khaki uniform or wear a barong or anything, just not his white or blue uniform!" nagpapanic na sabi ko kaya naman napilitan nalang si Inang utusan si Paeng na ihatid kay Niño ang sinabi ko.

♤♤

"Ayan, maayos na, anak." saad ni Don Luis sa anak na nasa harap ng salamin sa kuwarto nito matapos ayusin ang pagkakalagay ng gintong alpiler sa may kuwelyo ng puti nitong uniporme.

Tinignan pa ulit ni Niño ang mga gintong nakalagay sa kuwelyo niya, mga simbolo sa kaniyang uniporme na nagpapakitang isa siyang heneral. Lumapit si Doña Isabela na nasa may pintuan nanonood sa kanila atsaka sinamahan ang asawang pagmasdan ang anak. Nakangiti sila pareho, bakas sa kanilang mga mata ang kagalakan sa okasyong gaganapin ngayong araw... ang kasal ng kanilang bunsong anak.

Way Back To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant