LVI

3.2K 291 2
                                    

Juliet

"Remember that you should not meet nor see General Enriquez from this hour onwards until the wedding ceremony tomorrow, understood?"

"Opo." sagot ko at inayos na niya ang kumot ko.

"Sleep tight, dear." Kiss ni Ina sa noo ko at naglakad na papunta sa pinto ng kuwarto ko kung nasaan nakatayo si Caden.

"No meeting with General Niño until the wedding ceremony." pang-aasar pa ni Caden bago nila tuluyang isara ang pinto.

Napatitig nalang ako sa bubong ng kama ko. Oo, may bubong ang kama ko h'wag kayo.

Parang ang bilis ng lahat. Nung kailan lang nasa hospital ako, kinikilabutan dahil sa nasaksihan kong biglang pagkabuhay ulit ng isang batang in-announce nang patay at ito ako ngayon, nasa taong 1899 at ikakasal na bukas sa isa sa mga batang heneral sa panahong ito na hindi pa ako sigurado kung matagal ko pa bang makakasama.

Oh, boy... hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. Siguro nagkakaroon ako ng existential crisis dahil hindi ko na alam ang purpose ko sa mundong ito.

Bata palang ako pakiramdam ko na wala akong silbi sa mundo, na kung sa chess ay isa lang akong pawn na gagamitin ng mga mas may potential at malalakas para manalo sila at mas lalong umangat kaya naisipan kong maging doktor para kahit papaano... magkaroon ako ng silbi. Pero ngayong napunta ako sa 1899 na hindi ko man lang alam kung bakit at paano... wala na akong idea kung ano ba ang dapat kong gawin.

I mean... don't get me wrong, I planned everything way back sa present. Plinano kong maging isang mahusay na doktor na tutulong sa mga tao pero nang makarating ako sa taong 'to, hindi ko magawang magplano dahil hindi ko naman alam kung hanggang kailan lahat ng 'to. Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako sa panahong 'to at kung oo, hanggang kailan? Ayaw kong planuhin ang buhay ko tapos mamaya mapunta na naman ako kung saan na hindi na naman ako handa.

Bakit ba kasi sa dami ng araw na mapagpapasyahan naming i-stalk 'tong si Caden ay 'yung araw pa talaga na magta-time travel siya? Bakit ba kasi kailangan pang mahulog 'yung relo sa bulsa niya? Bakit ba kasi ako shunga at naisip ko pang ibalik sa kaniya 'yung relo niya? Bakit ba kasi hinawakan ko pa 'yung relo na 'yun? Bakit ba kasi may gano'n pang relo, ghad! Nafu-frustrate na ako!

Natigil ako sa pagkalunod sa sarili kong mga palaisipan nang makarinig ng kung anong tunog sa may terrace. Omyghad... may kapre ba? Ang laki pa naman ng puno sa labas huhu.

Tumayo agad ako at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Ghad, buti nalang hindi mataas ang blood pressure ko kung hindi matagal na akong inatake sa panahong 'to.

Agad kong kinuha ang arnis na binigay sa akin dati ni Angelito Custodio atsaka dahan-dahang lumapit sa pinto ng terrace.

Nang bumukas ang pinto, handa na akong i-swing 'yung arnis na parang baseball bat pero buti nalang at mabilis na naagaw 'yun sa akin ni Niño.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakaakyat?" bulong ko kaya naman dinala ako ni Niño sa may terrace at nakita ang nakatali na lubid sa may railings ng terrace ko at sina Fernan at Andong na nasa baba.

"Okay... pero paano niyo natali 'yan?" tanong ko. Imposible namang para 'yung grappling hook ni Batman na magbubuhol nalang sa sarili niya sa railing.

"Tungkol doon... nakipagtulungan kami kay Adelina." Ngiti ni Niño na mukhang natataeng ewan. Malamang dahil iniisip niyang magagalit ako sa kaniya sa pagdamay pa kay Adelina rito.

"Ah..." nalang ang nasabi ko at hinintay siyang i-explain kung bakit siya nandito pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya napatitig nalang din ako sa kaniya.

Way Back To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant