Junior high: Part 6

12 4 0
                                    

Dito nabuo ang mas maraming friendship. Mas lumaki kami. Mas naging maingay. At mas dumaming Gwapo! Marami man akong inaadmire na classmates kong lalaki, pero sa ibang year level tumibok ang puso ko. Sa taong to, alam nyo? Dito ako nagka-crush nang husto. Na hanggang ngayon, I consider it as the sweetest one. Kahit walang verbal interaction haha! May ganon. Anyway, isang beses din eh, nadaanan ako ni Lily. Remember her? Well ang sabi nya, hinahanap daw ako ni Xander. Still remember him? Well. Ewan ba. Taon-taon na lang kase di maiwasan na maencouter sya. "Kaklase ko ngayon si Xander, nasa third section na ako ngayon. Hayss"--sambit ni Lily na nakatayo at ako naman nakaupo. Napaisip ako, hm infairness from fifth section lumukso si Xander sa third section. Not bad. Pero si Lily masyado dinamdam pagbagsak nya ng section mula second to third. Di naman big deal eh, masyado kase competitive. "Its okay Lily, third section still on a higher level. Wag ka kase masyado magssstress dyan. Academics is just academic. Enjoy your high school life Lily, one year na lang gagraduate na tayo" I comforted her. Hays. "Oonga, sa totoo lang ngayong taon lang ako nagkaroon na mga mas maraming kaibigan. (She smile) di tulad noon. Puro lang talaga ako books at kahit nga ikaw di na kita sinasamahan tuwing recess " at sabay kami natawa nang maalala ang freshmen. Hahaha hay Lily. "Pero hinahanap ka nga sakin ni Xander. Saan ka na daw at anong section mo. Sus uy may tama talaga yon sayo since grade V hahaha" nakitawa na lang ako sa kanya. Pero di naman talaga sakin big deal si Xander. Pero naapreciate ko naman lalo Kapag nalalaman kong kinukumusta nya ako sa iba. Medyo awkward nga lang. And after that convo with Lily, hindi na ata yon naulet. Hanggang smile na lang kapag nagkikita o nagkakasalubungan. Kase yung section nila yung nasa may pinakadulo na ng campus. Creepy pa naman dun at bihira ako napunta don. Minsan na lang din kami magkita. At gaya nga ng sabi ko, mas marami rin naman akong friends ngayon. Natutuwa ako kase si Lily may mga group of friends na rin na kasama during free time and glad! I finally see her eating in canteen. Haha! Pero isang araw kase, sa may corridor. Yung usual day ko nung junior high is nagbago. Nakaupo ako lagi sa may dulo sa room. At tanaw sa amin diretso ang corridor. So one afternoon, I noticed him. Staring............... Looking.......... And staring at me. ALWAYS. Yeah I thought once lang, pero ulit-ulit. Daanan pa naman yun. Siguro lagi na sya tumitingin sa banda namin. I'm not hell assuming to assume na ako nga yung rason na pagtititingin nya. So idecided to transfer my seat. And what I found out? Everytime na dadaan ulet sya sa corridor, nahuli ko yung mata nya na tumingin ulit sa dati kong kinauupuan sa likod. He even paused a while and look inside our room maybe tryin' to find me? Ghaad?! Am I too assuming for that. Na-thrill ako bigla. But I ignored that of course. It's just, I remember someone. The same look, the same stare, the same hairstyle, and same eyes. I think I saw it already but can't remember when. His style of looks. Looks like an anime cartoon. He's cute. Especially the way he stare. Nalimot ko ilang araw ang tagpong yun. Di naman kase big deal. I was just bored on the lecture so my eyes during afternoon class always rotating somewhere where I noticed him. At siguro binigyan ko ng malisya haha. Cute pa naman kase. So one time, I was hurrying kase malelate na naman ako. I entered the gate and walks faster ever! Na-trauma na ako for being late. And I'm glad walang flag ceremony coz rain is quite approaching that time. Nasa corridor na ako and what I saw and what I hear made me shock "hey she's here " --di ko sadyang makita yung kasama nya na siniko sya at narinig yung sinabi nya sabay tingin sakin. Medyo nahiya ako and ignored them of course and focus my eye straight-walking still at nalampasan na sila. That cute anime guy! It was him gosh! As I entered our room fuuulll of noisiness I put my bag on the table "oh Selena! Hahahaha kararating mo lang tingnan mo to si jsowjwgwbsoyxdhi...... " ----and blablabla.. Di ko na inintindi yung sinasabi ni Mj sakin na nakikipagtawanan at harutan kay Joy. Ang nasa isip ko lang is, that guy! And his companion awhile ago! What just did i heard? HEY SHE'S HERE... Naalala kong mga narinig. And tell me what does it mean huh? Hindi na ako nag-aassume. Limot ko na sana eh, pero kase parang narealized ko.. Totoo yung lahat ng instinct ko. Lahat ng akala ko. At lahat ng nakikita at nafefeel ko. Ako nga yung lagi nyang tinitingnan! Crush nya ba ako? This is the first time I felt it. Naupo na ako sa kaiisip. I'm thrilled and excited. The hell? This heart pumps with uneasiness. And from then on, that guy anime look and his companion do their usual. The stare, the look, the eye, the hypnotizing eye the way he stare. Pero kase kapag nagbabanggaan na mata namin, lagi nya agad iniiwas at pagnagkakasalubong kami eh feel ko pinapakiramdaman nya ako. Basta weird. Weird talaga. Can't explain. And one night, then the other night, and other night and other night......... He's always on my mind and I'm almost insane on thinking him. Thinking about him. His move, the way he look at me and every little move. Though we never talk, it's our eyes who communicates especially the heart. Yes. We never talk. Until now. So one day, as I woke up so late. I figured it out, that..... I am now liking him. I have a crush on him. And hearts proved that. Everytime I enter the gate of campus, bumibilis na agad yung tibok ng puso ko. At iniimagine what if magkasalubong kami? I'm shy. Oo! Nahihiya na ako. I'm now fully shy and conscious. May dumi ba mukha ko? Ayos ba hair ko? Eh yung lakad ko? Baduy ba? Weird puberty! Ohh crushes on puberty such a crash! Siguro napapansin nya na rin na tuwing magkakasalubong kami nahihiya na ako. Basta. Bakit kase sa mga titig mo nakakadala. Yung mata nya kase, nakakadala talaga. Ganyan na lang yung usual, hindi maiwasan na di sya makita o magkasalubungan. At di ko na namalayan, February na pala. Which is J&S is coming! Bigla agad tibok na naman yung puso ko. Why? We the Junior girls' partner are those boys on Senior. Oh anong konek? That anime look guy is Fourth year high school lang naman. And yes, he's on a senior class. Nag-imagine na naman ako ano kaya mangyayari during JS? Lalapitan nya ba ako? Shet! And the first practice came, ang sabi kase kung anong section mo yun din ng partner mo sa senior high. So we were on a middle section, and I'm so hopeless. Kase that anime guy was on the last section. Nalaman ko rin, isa sya sa pinakawanted na may grupong naughtiest sa batch nila. Pero bigla kase ako na-shock during practice. Bakit? Bakit yung partner namin is nasa section nila? Kinabahan na naman ako bigla. Meron kase kaming malaking heart na dinadaanan at doon eenter kaming magJJS. Para sa JS dance. At sa pagpasok sa malaking puso, makikita mo kung sino ang partner mo. And my partner wasn't him, but.. His closest companion friend instead. Yung friend nya yung nakatapat ko as partner. Nasa unahan namin sya nauna. "Students! Juniors! Seniors! Balik! Bakit ganyan kayo! Boys! Dapat be gentlemen sa partner! Kapag eenter na kayo sa puso, you must grab the hand of your partners! Boys! Understand! And for girls, wag maarte! Repeat from the start!! " -----nakakabinging sound microphone ang umangilawlaw sa buong round field. So ano pa nga ba, uulet na naman kame from the start. Mahahabang linya bago makarating muli sa malaking puso. Kaming mga babae nasa left corner, and yung mga partners namin naman na lalaki nasa kabila. So eto na nga, malapit na kami at dito na ako nabigla. PagCross namin, bakit yung ibang classmates ko and section nila is same partners pa rin? Bakit? Bakit..... Bakit yung.. yung kaninang partner ko, nasa unahan ko na. At yung kaninang nasa unahan ko, partner ko na. Hindi ako makapaniwala. Hinawakan nya kamay ko as we entered the huge heart. Sya, si anime look guy. Sya bigla yung naging partner ko. And OH MY FUCKING GOSH!

Oo na. Kinilig ako. Nahiya, natuwa at pinagpawisan bigla. Sya rin naman. Medyo nagblush sya at pinagpawisan din. Suuupeer awkward!!! Moment! Ever! Parang gusto ko na matapos then makauwi na at magtatatalon-talon sa kama. Sa sobrang saya. Hindi kami gumagalaw kapag sasayaw na. Halos lahat naman. Uso pa ang pabebe noon. Hays buti na lang at tinapos na yung practice. Uwian na. Pag-uwi ko, ngumingiti ako mag-isa, parang tanga. Tapos, sya anlaman ng isip ko hanggang sa makatulog ako. At iniimagine kung ano ang magigin ganap bukas sa practice :)
"Okay, students, Juniors and Seniors, dahil sa napakakonte ng boys both year. We decided na each sections kung hanggang Saan na lang ang partner ng boys ay hindi na lilipat sa ibang section ng girls. Para lahat ng section may makita rin naman na partner sa dulo. Which is those last three sections. Okay proceed"-------nang marinig namin yan, nalungkot na ako bigla. Hindi na namin makakapartner pa ang section nila. And down to the J&S night, ang partner ko ay babaeng classmate ko. Kulang kase, at dahil sa medyo matangkad din ako nasa dulo ako ng pila and failed to get a partner from senior. At hanggang sulyap na lang ang nagagawa ko kay anime guy. Ganon din sya nakikita ko nakatanaw sakin. And during J&S, hindi ako excited. After the group dance kase, I went home already. I'm not in the mood. I'm not fine that time. Hayssss. So walang masayang nangyari that time. It sucks.

Pero, may isang pangyayari na hindi ko malimutan. Usual day again. Di ko na tanda yung date. Basta it was the most scary ever happened yet most memorable and happiest feeling.

Normal yung araw na yun, hanggang sa may mga bali-balita at nagkakagulo na pala. All facilitators held a meeting. At nang dumating na yung adviser namin. "Class listen, we will cancel the class till tomorrow and you gonna sure to went home after. May nangyaring earthquake sa Japan, ang the Philippines is in the tsunami warning level. So anytime, it is possible ti have this tsunami, and we need you to go home. Careful"----na-shock kami lahat. At natanaw ko nga sa labas ng room namin, lahat ng estudyante ay nasa labas na. Nakakatakot, I worriedly put my notes and books inside my bag at tumayo na rin. Tsunami? Kinda creepy. What if totoo? What if magkaroon nga nito? Ang lapit lang ng town namin sa dagat. At posibleng walang makaligtas. Yan yung mga iniisip ko habang tamlay sa paglalakad. Parang gusto ko makita lahat ng mga kaklase ko, teachers, this campus. What if bigla na lang hindi na sila makita after tsunami? I feel like I'm cryin'. Ambigat sa pakiramdam. Saka ko lang na-notice, nakalabas na pala ako ng gate. Naglalakad kase ako kanina pa habang nakayuko. Dahil sa mga iniisip. I suddenly stop and parang.. Para kaseng may bumubulong sakin na dapat lumingon ako. Ewan. Pero bigla ko naisip si Anime look guy. Makikita ko pa kaya sya? Nasa Gitna ako ng kalsada na napapalibutan ng mga nagdadaanang mga estudyante. Ilang minuto rin ako nahinto sa paglakad at nakatayo lang. Gusto ko kase lumingon, pinag-iisipan ko pa. And I did, I slowly turned my head back. And what I saw... Is HIM. It was him, nasa gitna rin ng kalsada na pinagigitnaan ng mga estudyante. Yung nakita ko, parang sya lang. Yung feeling na, sya lang at ako ang nasa gitna ng kalsada at Parehas na nagtititigan. Nang lumingon kase ako, I already saw him staring and looking at me. Kanina pa nya ako malamang nakita. I caught his eyes staring. Blank space, worry face, lonely and sad eyes. Yun yung nakikita ko sa mata nya. I don't know but... Parang it was a goodbye stare from both of us. Parang nag-uusap ang mata namin. It was hard. And that was the last I ever remembered about him.

It was a graduation of Senior high. Kung Saan this anime look guy, is gagraduate na. I forcely go to our Campus to see him and witness that ceremony. Pumunta ako sa 3rd floor building just to see clearly him. I was late. Graduation song na nila. Kumakanta sya, naiiyak ako. Nakakaiyak ang song nila. May hawak syang diploma. His companion friends, nasa gitna sya. Ang lungkot sa pakiramdam. Ang bigat. Nakakaiyak. Am I gonna see him soon? Is it the last time I gonna see him? Would be there a chance to meet him again in a future? What was those stares about between us?

And it was the last time I saw Him.

Thanks for the memory stare, anime look guy.

Thanks for the look and stare for making my heart happy.

Thank you, ---J O H N ❤

Dear DiaryWhere stories live. Discover now