1st year: Part 3

11 3 0
                                    

When I was Elementary. I have this boy, na crush na crush ako. Na naging crush ko din. Kase ang kulit. Dati kase, when we were in grade V, nag-announce si teacher na lilipat pansamantala yung mga non-reader sa last section which is section six. Natakot kami lahat kase balita namin noon, mga tarantado talaga mga nasa section six. Ililipat sila para daw turuan namin magbasa during free time. Then this boy, itago ko sya sa pangalang Xander, is lumapit sa'kin. Seryoso yung mukha nya. Kabata-bata pa pero kapag kase naaalala ko nakakatawa and cute kase. Okay dito na nga, lumapit sya noon. In front of me. Nakaupo ako at hinarang nya yung upuan. Seryoso yung mukha na nakatitig sakin. "Dito ka lang, wag ka makikipag-usap sa kanila. Baka magkagusto sila sa'yo" ----sabi nya na kulang na lang umiyak haha. Selosong bata! haha. Pero kapag naaalala ko kase, ang cute pala ano? So bakit ko namention yon? Kase lumukso tayo mung elementary days. Well kase that boy, is binata na. Wala na akong balita sa kanya till one morning, during flag ceremony is, I saw him. Nasa linya sya ng mga nasa 1st section. So from that on, nalaman kong same campus pala kami and only canteen lang yung nasa gitna at pagitan ng room namin. Well, pasulyap-sulyap pa rin sya minsan. Pero di na nagpapansinan. Oo, minsan nakangiti sya sakin. Friendly kase naman. So yun na nga, isang araw. May lilipat din sa section namin pansamantala galing daw 1st section. Ewan. At isa dun si Xander. Karamihan naman dito sa classmates ko is kilala nya, halos pito ata sila na lumipat pansamantala samin. Di naman awkward kase mga 60% is kakilala na nila dito. Mga batch mate sa elementary. Di naman kami gaano nagpapansinan. Kase nga I'm not even socializing others, except this Lily and.. Ewan di ko talaga close lahat ng classmates ko. Si Lily lang tong medyo okay. Hays.

One afternoon, Science class.
"may pen ka pa? " bigla ko narinig si Xander nagtatanong sa kabilang table. Tahimik lahat kase we were doing book activities. "Wala na e" "ikaw meron? " "wala na rin. " "si Selena meron. Marami yan" sambit ng katabi ko. Katabi ko palibhasa kaya kitang-kita ang pencil case ko puno ng iba't ibang color pens. Iniabot ko naman at pinasa-pasa hanggang sa makarating kay Xander. Okay na sana, wala na yon malisya. Pero may isang bunganga talaga na naintriga. "Uyy!! Xander! Di ba crush mo yan nung elementary " at napatingin saglit yung iba. But we ignore that girl. Kase nga ilan lang naman ang makakarelate. Besides, may new crush ako noon. Classmate namin. At sa kanya ako nathi-thrill.

After few weeks, bumalik na rin din sila sa original section nila. Bye Xander. :)

May grupo yung classmates ko, yung mga talkative girls pero mababait naman. Pero sila-sila rin naman kase ang nagkokompetensyahan. Which i really hate. "di ka lalabas? " tanong ko kay Berlyn. Malungkot kase sya. Tska napansin ko rin na parang yung dati nyang grupo is iniiwasan sya. E nasa may tabi ko sya naupo that time. So kahit snob ako minsan, I approached her. Takte umiyak bigla. "Samahan mo ako" tugon nya sa'kin. Umupo kami sa isang abandoned canteen that time sa di kalayuan. She open up. Nalaman ko na lang, nagtampuhan sila at nag-away may hindi nagkaintindihan at iniwasan na sya. Dinamdam e. E di ba kase sa puberty age natin, talagang madamdamin tayo. So that time, ako yung medyo lagi nya kasama. Ako lagi nya kausap. Mga ilang weeks din yun. Then one day, nagkaayos na sila ng grupo nya. Then, bihira na ulet kami magsama. Nasanay na akong mag-isa, di ba nga. I prefer to be alone. Pero kahit saan mo man ako iwan, kaya ko makisama. That's the difference. :)

One day, wala pa si mam. So yung section namin is, watak-watak. May nasa canteen, nasa library, nasa puno ng talisay, meron din sa room. Ang gulo. Naintriga na naman ako sa isa kong weird classmate. She's Ellen. Mukang tomboy. Napaka-mess ng hair. The way she talk, the way she walk. Weird girl. Nadatnan ko sila nag-uusap kasama si JR and Jhun, also Jessa. "Umayos ka nga. Tingnan mo itsura mo Yang buhok mo" ---Jessa
"Oo nga, para kang di babae"--JR
Lumapit na ako. "Alam mo kung aayusin mo Yang hair mo maganda ka"---nakisawsaw ako e. Sabay ko ayos ng buhok nya sa mukha at ginilid ito. "Ganito na nga ako" tugon ni Ellen. Palagi talaga sya nagsasalita habang nakatawa. Weird. "O bakit di na kayo magkasama ni Berlyn" tanong ng isa
"Okay na sila" tugon ko. "Tapos parang ganun na lang basta ka iwan" "hah? E di naman ako sanay na may kasama lagi. Tska sabi nya sa'kin, thank you daw. Ambait nya kaya. Kase nung mga time daw na wala syang kakampi, nandun ako. Okay na sa'kin yung thank you "--sagot ko. Haysss mga taong to.

Dear DiaryМесто, где живут истории. Откройте их для себя