Puberty Age: Part 1

15 3 0
                                    

Nag-umpisa ang lahat sa mga pasulyap-sulyap. Nasa private school ako noon. Lahat ng nasa campus at mga kaklase o kung sino man, lahat mayayaman. Lahat halos kotse ang nagsusundo. Halos lahat magaganda. Lahat may mga hitsura. Kapag nasa 1st section ka, matalino ka. Sempre nasa 1st section nga di ba. Sila yung, mga very competetive. Na halos puro pagSstudy lang ang inaatupag. And i found it so weird. I hate that way. I hate their usual.

Pero sino nga ba yung sinasabi kong pasulyap-sulyap?

"Ikaw na bata ka! Puro paglalaro inaatupag mo! Hindi ka na nag-aaral hindi mo ginagaya sina ate kuya mo at ikaw laro nang laro maghapon na lang nasa labas hindi ka na namomonitor oras-oras! Yang pag-aaral mo! "----------sumbat ni mommy habang pababa kami ng kotse at nagpaparking sya.

Kinabahan ako bigla at natakot kase papunta kami ngayon sa ZMC para tingnan yung result ng entrance exam ko for incoming 1st year highschool.
"Makikita mo kapag mababa ang nakuha mong score! Malalagot ka talaga sakin! Bilisan mo maglakad! Biilllliiissaaaaannnnn mooooh!!! "-----papasok na kami sa gate at di pa rin mapigil sa pagbubulyaw at pagsesesermon ni mommy sakin. Na noon, sunod-sunuran lang ako sa paglakad kahit yung dibdib ko parang sasabog na sa hiya at kaba. Nasa tapat na kami ng malaking bulletin board at habang kinukuha nya ang reading glass nya sa shoulder bag nagsimula na naman sya magsalita at nanlikisik ang kanyang mga Mata habang nakatingin sa'kin nakayuko sakin at ako naman takot na takot at nakasimangot na kinakabahan. "Makikita mo talaga!!! Ano gusto mo maging magsasaka hah! hindi mo ginagaya si kuya ate mo! Gusto mo lang laro--laro at paglangoy sa dagat!!! " --------sa wakas at isinuot nya na ang salamin nya. Ilang minute rin sya natahimik, habang hinahanap ang pangalan ko sa bulletin board. Habang tinitingnan ko sya na abala sa pagturo ng daliri pababa sa mga nakadikit at sa paghahanap e...

May isang lalaki.
Isang lalaki sa di-kalayuan.
Kahati lang na mukha ang nakita ko.
Kase natabunan sya ng shoulder bag ni mama. Isang lalaki na akala ko napatingin lang. Pero hindi. Ulit-ulit syang sumusulyap. Paulit-ulit. Gusto kong i-step ang isa kong paa sa left ko para tuluyan kong makita ang mukha nya. Pero..

"Galing naman ng baby ko! Nakakuha ng 86 score! " -----si mommy bigla umiba yung awra. 3,2,1 at saka lang nagsink-in sa utak ko yung sinabi nya. What?!! Nakakuha ako ng 86 score sa exam?!! Oh my God!!! At hinila na ako ni mama patungong registrar para mag-enrol. At habang naglalakad e walang humpay na ang pagmamalaki nya sa'kin.. "Very good baby ko, ang galing naman pala e. Punta tayo mamaya sa Jollibee and we'll celebrate!! And those.... " -------bla bla bla.....

Nakalimot ko na tuloy, nang nasa kotse na kami. Yung lalaking mapupula ang pisngi, pink na lips, anime look. Na kaninang nanunulyap. Makikita ko pa kaya sya........?

*brrrooumm* (car leaving)

Gabi na. Pero bakit di ko maiwasan isipin yung lalaki kanina.
Weird.

----Selena

Dear DiaryWhere stories live. Discover now