The Finale

1K 22 11
                                    

 >>>>>>>>>>>>>>>>Paki play po yung music para mafeel niyo talaga ang story jejeje!!!<<< thanks!!

ALIA’S POV

Eto ako ngayon, umaatungal sa iyak, ang bigat ng dibdib ko, gusto ko lang umiyak ng umiyak dito. Sana nawala na ako sa mundo. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong dumaloy sa aking pisngi, idagdag pa tong uhog na to. Pinunas ko lang yung laylayan ng damit ko. Tumayo ako at lumabas sa gym ng bahay. Pinabili ko si Alice ng one case na san miguel (San Miguel talaga ha. bopols kasi ni author walang ibang alam na inumin.). Gusto kong magpakalasing baka sakaling mamanhid ang puso ko. Nagtaka siya pero sumunod naman dahil muntik ko ng masabunutan. Nang dumating siya kinuha ko agad sa kanya.

Binuhat ko at dinala sa gym. Dito ko lang pwedeng isigaw ang nilalaman ng puso ko. Wala na si Jairus, sumama na sa babaeng yun. Akala niya kasi baliw ako. Binuksan ko yung isa at sinumulang inumin. Ang daming kong tanong sa sarili ko. Pero wala akong mahanap na sagot.

Bakit ganun, lagi na lang akong nasasaktan??. Karma ba to sa lahat ng mg nagawa ko??. Naging mabait naman ako dati ah???? Inuntog ko yung ulo ko sa wall. Masakit pero wala akong paki alam.

"CHEERS, para sa baliw na si ALIA MYRRH CARLTON-SCOTTI, WOW. complete name!!! Including my husband's family name... hahahaha----"

Tinagay ko ulit yung hawak kong bote. Naka dalawa na pala ako. hindi nga ba kabaliwan itong ginagawa ko?? 

Ngumiti ako ng maalala yung eksena kanina. Ang bongga naman, nalaman kong baliw ako tapos nakita ko yung taong mahal ko na may kalandian na iba. Parang gusto ko ulit na magwala pero wala na akong lakas. Nanghihina na ang tuhod ko sa kaiiyak. Wala na rin akong nakikita kundi yung luha ko na nakaharang mata ko. Sumigaw ako.

"Hindi ako baliw!!!!! Sabihin moh!!!! Bakit ako nasasaktan???? Bakit?????" huhuhuhuhuh

"Ang sama niyong lahat.. Hik.. Sana..hik wala na ako...hik hik..." inuntog ko naman ang ulo ko. 

"huh huh hik hik. . . Wala akong hik silbi. .hik. .bakit pa hik. .hik. . Ako  na bu hik bu hik hay.."

Lecheng buhay naman oh!  Hinagis ko yung bote at tumama sa dingding kaya nabasag yung bote. Kahit kailan, hindi ako naging masaya sa mga nagawa ko, oo gusto ko lang naman makakuha ng atensiyon mula sa mga taong minamahal ko pero BAKIT???? hindi ko man lang maranasan na mahalin din nila ako tulad ng pagmamahal ko sa kanila. Gusto ko nang tapusin ang buhay ko dahil wala akong silbi. WALA AKONG SILBI!!!! BALIW AKO!!!!! Umalingaw ngaw sa utak ko ang katagang iyan. Kinuha ko yung malaking parte ng nabasag na bote. Alam ko na ang solusyon ng lahat.

************************************EVIL SMILE******************************************

JAIRUS'S POV

Sinamahan ko si Camille sa hotel kung saan siya mag che-check in. Gusto daw niyang mapag-isa kaya hinayaan ko na lang muna. Kauuwi ko lang sa bahay at napansin ko na wala si Alia sa kusina, madalas kasi, pag ganitong oras, kumakain siya. Tinanong ko agad kay Alice kung nasaan ito. Sinabi niya sa akin na nagpabili ito ng san miguel at nakita niyang pumunta sa gym. Kaya agad-agad ko siyang pinuntahan. I saw her sitting at the corner drinking liquor. Narinig ko siyang sumigaw.

"WALA AKONG SILBI!!!!!!! Oo wala akong silbi hik. .  alam ko yun. . . Hik. . .  pero hindi ako baliw..!!!!!hik hik. . . HINDEHHHH!!!!" nakita ko yung hawak niyang piraso ng basag na bote. Itataga niya sa puso niya. Agad ko siyang nilapitan at pinigilan. (OA HA!!! NYAHAHAHA)

"Alia, please don't ever do this!!!" nakipag agawan ako sa kanya. Hanggang sa naagaw ko.

( CHING!!! buti pala walang nasugatan sa dalawa..heheh ngayon ko lang naisip yun ah!!)

BRAT - Short Story ( FINISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon