CHAPTER 8

85K 2.6K 588
                                    

CHAPTER 8

Naisipan ni Corinne na kumain muna sa McDo bago umuwi, pero pagkatapos n'yang umorder, noong naghahanap na s'ya ng table na mauupuan, hindi n'ya inasahan kung sinong makikita n'ya.

Nakita n'ya si Jett na may kasamang isang mistisang babae. Nasa likuran ng table nila Jett yung vacant na table na pwedeng upuan, so iniisip ni Corinne kung:

1. Dadaan ba s'ya tapat ni Jett .

2. Maghahanap na lang ba s'ya ng ibang table.

3. Iipapatake out na lang n'ya yung pagkain na dala n'ya.

"Ipapatake-out ko na lang siguro to," bulong ni Corinne sa sarili. Patalikod na s'ya at palakad papunta dun sa counter pero...

"Coco! Ikaw yan diba?!" narinig n'yang sigaw ni Jett kaya napaharap s'ya ulit.

"O-oh Jett, ikaw pala," sagot naman ni Corinne, though nagtataka s'ya kasi kinakausap na ulit s'ya ng normal ni Jett.

"Mag-isa ka lang? Upo ka na dito sa tabi namin."

"Pero--"

"Halika na!"

Wala na ngang nagawa si Corinne kung hindi umupo sa tabi ni Jett.

"Ivy, si Coco, yung weird na fetus na sinasabi ko sayo," sabi ni Jett sa kasama n'ya, natawa naman yung babae.

"Fetus ka dyan!" sigaw ni Corinne pero di s'ya pinansin ni Jett.

"Coco si Ivy, pinsan ko. Ganda no?"

Napatango na lang si Corinne. Nakahinga s'ya ng maluwag, akala n'ya nagt-two time na si Jett, yun pala pinsan lang. 

"Anong ginawa n'yo sa school kanina?" tanong ni Jett kay Corinne, hindi kasi ito pumasok.

"Same same, nag quiz, pero kahit naman pumasok ka di ka rin makakapasa."

"Aba loko ka ah!"

Binelatan na lang ni Corinne si Jett. Natawa na naman sa kanila yung si Ivy.

Hindi man maintindihan ni Corinne kung bakit umaasta na lang bigla si Jett na para bang walang nangyaring awkward sa kanila, sa loob ni Corinne natutuwa s'ya. Natutuwa s'yang makasama at makausap muli si Jett ng ganoon, miss na miss na n'ya kasi ito kahit hindi man n'ya ipahalata.

Pagkatapos ng pagkikita nila noon ni Jett sa McDonald's, nung mga sumunod na araw, back to normal na muli ang pakikitungo ni Jett kay Corinne. Tumatabi na ulit ito kay Corinne, binibwisit na s'ya muli nito sa fb chat, at balik na ulit ito sa walang tigil na pang-aalaska kay Corinne. Hindi man malinaw kay Corinne kung anong tumatakbo sa utak ni Jett, nakiayon na lang s'ya sa flow ng mga pangyayari at umakto na lang din na parang walang nangyaring confession sa pagitan nilang dalawa.

Siguro nga nakakatanga ang pag-ibig. Batid man ni Corinne na pag pinagpatuloy n'ya pa ang pagsama kay Jett ay mas masasaktan lang s'ya, hindi n'ya parin magawang iwasan at layuan ito tulad ng palaging pinapayo sa kanya ni Jb. Si Jb, na alam na n'yang may nararamdaman sa kanya pero nireject n'ya kasi ayaw n'ya itong gawing panakip butas. 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Found you Coco!"

"Ay aso ka!" Napasigaw sa gulat si Corinne dahil habang naghihintay s'ya ng jeep pauwi eh bigla na lang s'yang inakbayan ni Jett. Ang init tuloy bigla ng mukha n'ya kasi ang lapit nito sa kanya.

"Alisin mo nga yang kamay mo, bakit ba?" tanong ni Corinne.

"Samahan mo kong manood ng movie sa sinehan, ayaw akong samahan ni Jb."

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon