CHAPTER 3

117K 2.9K 294
                                    

CHAPTER 3

Isang buwan narin ang nagdaan at naka adjust na si Corinne sa bagong course at mga kaklase n'ya. Sanay narin s'ya sa malimit na pangbubully sa kanya ni Jett na madalas iniignore na lang n'ya. Kahit kasi lage s'yang inaalaska ni Jett eh lage namang andyan si Jb para buuin at pasayahin ang araw n'ya.

Napag-alaman ni Corinne na si Jb ay katulad n'yang nagshift din ng course. Nursing din pala ang unang course nito dati! Nang malaman yun ni Corinne feeling n'ya bigla meant to be sila. Sila lang dalawa ang nag shift ng course sa section nila, most of their classmates freshmen talaga, at since nagshift nga lang sila, may subjects silang credited na. Yung mga subjects like English, Filipino and Math na halos lahat ng klase ng course meron, credited na ni Corinne at ni Jb. Kaya nga pag time na ng mga subjects na yun, naiiwan silang dalawa ni Jb ng sila lang sa isang study table, kasi wala naman silang subject na ganun. Dahil sa madalas nilang pagkaiwan ng sila lang, lalong mas nahulog ang loob ni Corinne kay Jb, at lalo rin silang naging malapit na dalawa. 

Tuwang tuwa si Corinne lage pag sumasapit na yung subject na credited nila, dahil feeling n'ya moment na nila yun ni Jb. Sa isang credited subject nya lang s'ya hindi masaya dahil andun si Jett para sirain ang moment nilang dalawa ni Jb. Napag alaman ni Corinne na repeater pala itong si Jett, may binagsak na ilang subject, nagloko ng konti kaya ayun, first year ulit. Lalo ng naturn off si Corinne kay Jett ng malaman n'ya iyon.

Nakatambay ngayon si Corinne at Jb sa study table, hinihintay ang sunod nilang klase. Filipino ang subject nila ngayon at credited na nila yun kaya sila na lang muling dalawa. 

"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Jb kay Corinne.

"Hmm, okay pa naman ako. Ikaw ba?" 

"Gusto mong kumaen sa canteen?" tanong pa ni Jb.

"Si--" sasagot na sana si Corinne nang biglang dumating ang asungot na si Jett at inakbayan si Jb.

"Tara sa labas tsong, yosi tayo." ani Jett kay Jb. Oo nagyoyosi ang dalawa. Kung may isang bagay na ayaw ni Corinne kay Jb, yun eh yung fact na nagyoyosi ito. Pero hindi naman kasing lala nung Jett na kada break time ata lumalabas para mag yosi.

"Pero si Corinne--"

"Wag mo na alalahanin yan si Coco, malaki na s'ya. Tara na." Hinigit na ni Jett palayo si Jb kay Corinne. 

Nang makaalis na ang mga ito, nakatanggap si Corinne ng text mula kay Jett saying, "Better luck next time ;P"  

Corinne scowled nang mabasa n'ya iyon. Hobby na talaga ni Jett na asarin s'ya by taking/ ruining her possible sweet moments with Jb. Hindi n'ya talaga maintindihan kung bakit tuwang-tuwa itong pagtripan s'ya.

Nung bumalik yung dalawa, may kasama na silang dalawang magandang tourism students.

"Corinne si Jemimah at si Krissy. Jemimah, Krissy, si Corinne." pagpapakilala ni Jb dun sa dalawa nang maupo sila sa harapan ni Corinne doon sa study table.

Ang gaganda nung dalawa, lalo na yung Jemimah. Sa totoo lang, yung babaeng yun, kilala na ni Corinne yun kahit di pa pinakikila sa kanya ni Jb. Minsan na kasing pinakita kay Corinne nung classmate nyang lalaki ang fb nung Jemimah dati. Maraming former high school classmates n'ya na nag aaral din dun sa school nila ang patay na patay sa babaeng iyon. 

Naisip ni Corinne kung pinopormahan ba iyon ni Jb. Mukha kasing close yung dalawa, nag-aasaran and such. Medyo nadown sya ng maisip n'ya kung pinopormahan nga ito ni Jb, kasi mukhang wala syang panama dun sa babae. Sobrang ganda nito at ang bait, inalok pa si Corinne ng pagkaen tapos ang friendly, ang dami nitong kinakawayan na dumadaan sa kanila.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon