CHAPTER 6

95.9K 2.6K 763
                                    

CHAPTER 6

Kakasakay lang ni Corinne sa bus na magdadala sa kanila sa Manila, para sa seminar ng course nila sa isang hotel doon. Naglalakad s'ya papasok, naghahanap ng tatabihang kakilala sa bus, when she saw Jb, na walang katabi. She was hesitant at first na tabihan ito dahil simula noong birthday ni Jb hindi na sila masyadong nagkakausap nito, pero thinking na baka time na to para ireignite yung closeness nilang dalawa...

"Ah J--" Tatanungin sana ni Corinne si Jb kung pwede ba s'yang tumabi rito kaso...

"Upo ka dyan, tabi tayo Coco!" Tinulak na s'ya bigla ni Jett papasok dun sa 2 seater na upuan na katapat ng inuupuan ni Jb. Tapos agad narin s'yang tinabihan ni Jett kaya di na s'ya naka angal.

"Better luck next time Coco," pang-asar na bulong ni Jett kay Corinne na may kasama pang pag ngisi. Tapos na ang isang linggo na break ni Jett sa pang-aasar kay Corinne so simula na naman s'ya sa paninira ng araw ni Corinne.

Akala ni Jett naasar na naman n'ya si Corinne dahil sa paglalayo n'ya rito mula kay Jb kanina, ngunit hindi n'ya alam na it's actually the opposite. Sa totoo lang masaya si Corinne na si Jett ang katabi n'ya (though syempre di n'ya pinapahalata).

.

.

Matapos ang seminar nila sa function hall ng Hotel, dumiretso naman sila sa isang restaurant doon para kumaen ng lunch.

Tapos ng kumaen si Corinne, hinihintay na lang n'yang matapos ang iba n'yang kasama, so busy na lang s'yang naglalaro sa cellphone n'ya nang magsalita si Jett na nakaupo sa tabi n'ya.

"Ang haba ng mga daliri mo Coco, parang kamay ng lalaki yak!" pang-aasar nito.

"Anong magagawa ko eh sa mahaba! Mas mahaba naman ng di hamak yang kamay mo!" sagot naman ni Corinne.

"Eh lalaki naman ako, eh ikaw? Tingnan mo, konti na lang yung layo nung laki nung kamay mo kaysa sa akin." Kinuha ni Jett yung isang kamay ni Corinne at tinapat naman dito yung isang kamay n'ya.

"Kita mo? Konti lang ang agwat," sabi ni Jett habang pinagtatapat yung kamay nila.

"Ang laki kaya ng agwat!" depensa naman ni Corinne, balak na n'yang higitin yung kamay n'ya mula kay Jett ngunit bigla na lang inintertwine ni Jett yung kamay n'ya dun sa kamay ni Corinne.

Agad na nag-init ang mukha ni Corinne dahil ngayon ay magka holding hands na sila ni Jett!

"A-ano bang gingawa mo? Bitawan mo nga yung kamay ko!" sigaw ni Corinne habang nagpupumiglas sa kamay ni Jett.

Ngunit hindi bumibitaw si Jett, mas hinigpitan pa nito yung kapit tapos itinaas pa yung magkahawak nilang kamay ni Corinne at pinakita ito sa lahat ng studyanteng katabi nila, "Tingnan n'yo oh si Corinne o, hinahawakan yung kamay ko!" sabi nito, s'yempre lalong namula sa hiya si Corinne.

"Anong hinahawakan? Ikaw tong ayaw bumitaw eh! Bitaw na kasi!" sigaw ni Corinne full of embarassment sabay higit sa kamay n'ya. Binitawan na naman ito ni Jett finally habang nagtatawa pa.

Para kay Jett pang-aasar lang yung ginawa n'ya, just a normal prank to ruin Corinne's day, ngunit di n'ya alam na ang laki ng epekto noon kay Corinne. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Corinne dahil sa ilang segundong pagkakahawakan nila ng kamay ni Jett. Bagaman nabitawan na ni Jett yung kamay n'ya eh ramdam parin nito ang kamay ng binata. Hanggang sa matapos nga ang dinner at bigyan na sila ng ilang hours ng teachers para maglibot sa mini mall ng hotel, hindi parin maalis kay Corinne yung kakaibang pakiramdam habang hawak-hawak ang kamay ni Jett.

Magkakasama si Corinne, Jett at Jb na naglilibot sa mall. Habang lumalakad sila, hindi maiwasang mapatingin ni Corinne paminsa-minsan sa kamay ni Jett habang kasabay n'ya itong maglakad. Parang gusto n'ya muli itong hawakan. Alam n'yang mali, pero gusto talaga n'yang hawakan.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon