Chapter 4 ♛ Gold, Silver and Bronze

2.7K 80 9
                                    

Golden Empire University
Top Floor, Pool Area

-Tanya Knox-
kasalukuyang nandito pa din kami sa top floor ng building. Oo kami, kasi kasama ko pa din si Aki. Pinapaliwanag niya saakin yung about sa school.

"teka duon sa school files ko merong akong nakitang status para saan naman iyon?"

"hindi mo alam? saang parte ka ba ng Pilipinas nanggaling at wala kang kaalam-alam" parang ang sarap sabihin na Hello galing kasi akong Japan. pero hindi naman pwede

"taga province kasi ako eh, kakalipat lang namin dito sa Manila" pagsisinungaling ko. pero technically it's not a lie, it's half truth. because I did live in the province only in Japan, it's also true na kakalipat lang namin ni mom dito sa Manila.

"aaah ganun ba. well ganito kasi iyan merong kasing System na tinatawag dito"

"System? para saan?" nagtatakang tanong ko.

"paano ko ba ieexplain. sabihin na nating nire-rate ka dipende sa social status mo" napa-taas naman ang kilay ko ng sabihin niya na iyon. kaya ba madaming bullies dito?

"ang pangit naman nung system na iyon. sino naman ang nakaisip nuon?" parang hindi kasi makatarungan. paguwi ko magrereklamo kaagad ako kay dad

"yung founder ng school si Mr. Eichi Asakura" ay in second thought wag nalang pala. si Lolo pala ang gumawa ng batas na iyon

nako Lolo huwag niyo po akong dadalawin takot po ako sa multo

"oh bat natahimik ka?"

"ah? wala naman. sige ituloy mo na"

"hmm ok. so as i was saying merong system dito sa GEU at iyon ang Gold, Silver at Bronze"

"yung nakalagay sa status ko ay bronze"

"hindi na kataka-taka iyon kasi halos lahat ng scholar dito ay Bronze talaga. dahil napagusapan na din naman iyon na ang uunahin ko, sa Bronze karaniwang makikita ang mga katulad mong scholars, at middle class families. yung tipong ang mga parents ay meron pagmamay-ari na maliit na kompanya katulad ng mga factories."

"Silver naman ay yung mga taong mas nakakaangat sa society, for example anak ng mga politicians. sa Silver din makikita yung mga anak ng kilala at sikat na tao like celebrities, models, musicians, artist, big time businessmans, engineers, doctors and etc. sa madaling salita nasa high-class families sila.. meron ding mga Silver Student na artista, models pero karamihan sakanila ay anak ng mga sikat na company owners"

"ah sa madaling salita nasa Silver yung mga maarte at spoildbrat"

"Hahaha! tama, kung iyon nga ang gusto mong itawag sakanila" pambihira naman tong lalaking to tawanan daw ba ako? seryoso kaya ako hmp!

"Eh yung Gold naman? sinabi mo na nasa high-class family na yung sa Silver diba"

natigilan siya at napaisip muna bago ulit magsalita.

"Gold students. Hmm, ang totoo niyan tatlong tao lang ang pwedeng maging Gold Student" matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya ng malapad.


- Akihiro -
"Eh yung Gold naman? sinabi mo na nasa high-class family na yung Silver diba" natigilan ako ng panandalian ng itanong niya saakin ang tungkol duon.

"Gold students. hmm, ang totoo niyan tatlong tao lang ang pwedeng maging Gold Student" pagsisimula ko. oo tatlong tao lang ang pwede maging gold students.

My Dear Black Crown [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon