Chapter 9 ♛ Tunnel of Love (Pt.2)

1.3K 62 22
                                    

Hiyaaa! Ito po ang continuation ng date nila Akihiro at Tanya! :D

Over-rated at gasgas na ang pagsakay sa Ferris wheel during the end of the date. I mean hello sa lahat ata ng mga stories at manga na nabasa ko laging sa Ferris Wheel ang bagsak ng mga couple sa dulo ng date nila noh, kaya naman nag todo research ako sa iba't-ibang klaseng mga rides sa mga amusement park at ito ang nahanap ko ang 'Tunnel of Love'. Saka super cliche na kapag gumamit ako ng Ferris wheel, sabi niyo nga Aki is the perfect guy so this is a PERFECT date. ♥

Pt. 2 "Tunnel of Love"

South Haven
Amusement Park
Same Day

-Tanya Knox-
Hindi ko mapigilang mapangiti at matawa sa mga vendor doon sa mga booth na napuntahan namin ni Aki. Pano ba naman kulang nalang himatayin sila sa putla ng sunod-sunod naming matamaan yung mga target doon sa mga game, akala siguro nila malulugi ang negosyo nila dahil samin.

Ang dami naming nakuha na mga stuff toys, bumili pa nga si Aki ng mga paper bag para hindi kami mahirapan magdala. After namin sa mga games pumili ulit kami sa mga rides, una naming pinuntahan yung roller coaster kaya lang nung kami na ang susunod bawal daw yung mga dala namin kasi baka mahulog at puno na yung luggage shelf nila.

So ito ako ngayon inaantay si Aki dahil bumalik siya sa parking lot para iwanan sa kotse niya yung mga nakuha namin doon sa mga games.

"Hmm?" napataas ang kilay ko ng may napansin akong bagay na kumislap doon malapit sa malalaking trash bins.

Pakiramdam ko may nakatingin saakin.

Bigla akong nanigas ng may kumapit na kamay sa balikat ko, aalis ko na sana iyon ng bigla itong magsalita.

"Tanya are you alright? Medyo namumutla ka." Nagaalalang tanong ni Aki sabay hawak niya sa kabilang balikat ko para maiharap ako sa tapat niya.

"Ah, o-oo naman. Sa lamig lang din siguro"

"Hm. Buti nalang pala kinuha ko ito." Nakangiting sabi nito sabay pakita sakin ng isang dark blue na scarf. "Come here." Tawag niya sabay lagay nung scarf sa leeg ko.

"Thanks." Tipid na sagot ko dito.

"Oh wait, give me your hands." I look at him curiously. But he only gave me that heart stopping smile that I come to like, so I placed my hand to his.

Pinagdaop niya ang mga kamay namin sabay lagay ng pressure dito habang pinipisil niya ang mga ito. Doon ko lang napansin na kumpara sakanya napakalamig ng mga kamay ko, ang sarap sa pakiramdam ng init na taglay ng mga kamay niya.

"Ayan para di ka na lamigin, let's go?" pag-aaya niya, matapos niyang sabihin iyon parang na-disappoint ako kasi biglang nawala yung mga kamay niya saakin. Pakiramdam ko tuloy lumamig ulit yung mga kamay ko.

"Okay, s-salamat ulit." Pasasalamat ko dito sabay lakad papunta doon sa may hagdan sa may roller coaster. Pero natigilan ako ng biglang may maramdaman akong humawak sa kamay ko, dahil dito napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Aki na nakatingin sa ibang direksyon at medyo mapula ang muka niya.

Is he blushing? Natanong ko sa isip ko.

Dahil dapat nga nandoon kami sa ngayong batch ng nasa roller coaster, kami yung mauuna sa susunod kapag huminto yung ride. At sinabi ko kay Aki na kung pwede sa unahan kami sumakay, pumayag naman ito kaya super tuwang-tuwa ako. Nung nagsisimula ng umandar yung roller coaster, di ako mapirme sa upuan ko dahil sa excitement.

"So cute.." Aki chuckled.

Nadinig ko yung gwapong pag chuckle ni Aki at mukang may sinabi siya pero di ko na iyon nadinig dahil biglang lumiko na yung ride at nagtilian na yung mga nasa likod namin. Nung paakyat na yung ride sobrang laki ng ngiti sa muka ko na feeling ko mapupunit na yung muka ko sa laki ng ngiti ko, at nung malapit nang bumagsak pababa yung rides di ko na napigilang di itaas ang dalawa kong kamay at nakisigaw na din ako kasabay nung ibang mga taong nakasakay din.

My Dear Black Crown [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon