Chapter 10 ♛ Girls Bonding (Pt.1)

340 13 2
                                    

MDBC 10 ♛ Girl's Bonding (Pt. 1)

Golden Empire University
Soccer Field
Saturday

Tanya Knox–
     "Pass it here Tanya!" sigaw ni Zoey, kaya naman sinipa ko papunta sakanya yung bola.

Agad namang umalis yung nagbabantay saakin at tumakbo papunta sa direksyon ni Zoey.

     Eh, wrong move.

Mabilis na sinipa ni Zoey balik saakin yung bola, at bago pa makapag react yung mga kalaban namin sinipa ko na kaagad to papunta sa goal. Huli na ng sinibukan pa itong habulin ng goal keeper dahil tumama na ito sa net.

     "3-5, Yellow Team wins!" Anunsyo ng referee matapos ang pag whistle nito.

     "WHOOOOOO!"

Nagsigawan naman kaagad ang team namin at nagtakbuhan papunta saakin.

     "Tanya! Ang galing mo, panalo tayo!" Tuwang-tuwa na sabi ni Zoey na nagtatalon pa.

     "Oo nga, yes exempted tayo sa exam!" masayang sigaw ni Millo.

     "Pfft. Wala ka ngang ginawa eh" mapang-asar na sabi dito ni Alice ng makalapit ito saamin pano kasi siya lang ang nahiwalay samin ng G6 sa groupings.

     "Hmp! Porket naka goal ka lang sa team niyo, isa lang naman yun!" naka pout na sabi ni Millo dito sabay irap, habang natawa naman kami sa inasal nito.

     "Oh tama na yan, dapat tayong magcelebrate dahil dito." Awat ni Xhali sa mga ito na sinangayunan naman naming lahat.

     "Ang daya eh pano ako? Hindi ako excempted huhu.." malungkot na sabi ni Alice. Lumapit si Sophie dito saka pi-nat yung likod niya.

     "Okay lang yan, Alice ililibre ka nalang namin." nakangiting pahayag dito ni Sophie, ang bait talaga nito kahit kailan.

     "Oo nga, pampalubag loob namin sayo." dagdag pa ni Zoey, habang humagalpak naman ng tawa si Millo

     "G6, sigurado ba kayo? Si Alice ata yan baka mamulubi tayo Hahaha!"

     "Oi di naman ako kanun kalakas kumain noh!" depensa ni Alice, pero sumilay dito ang isang nakakalokong ngiti na parang may naisip ito. "Pero you guys insist naman diba, sino ako para tumaggi sa libre. Hahaha!"

     "Nako po, ayan na nga ba sinasabi ko." Naiiling na sabi ni Millo habang sapo ang kanyang ulo.

     "Hayaan niyo na, ngayun lang naman diba? Saka hindi naman siguro siya ganun kalakas kumain.." sabi ko sa mga ito, napatingin naman sila Zoey, Millo at Xhali saakin sabay bumuntong hininga.

Lumapit saakin si Zoey saka ako inakbayan.

     "Tanya, hindi mo alam kung anung sinasabi mo. Siguradong mamumulubi tayo nito."

_*_

Manila, Philippines
Kingsley

     Dahil ililibre namin si Alice, siya na sumagot ng transportation namin. Tinawagan niya ang family driver nila upang magdala ng ibang SUV at doon nga kami nagtungo papunta sa isang sikat na restaurant na 'Kingsley' ang tawag.

Natawa naman si Millo at Zoey ng makababa na kasi ng SUV. Habang si Sophie at Xhali naman ay napailing nalang.

     "Anung meron?" Di ko napigilang itanong sakanila, napalingon sakin si Alice at ngumiti ng malaki.

     "Kila Sophie kasi itong restaurant." Bulong sakin ni Zoey, napa 'ohh' naman ako.

     "Nako Soph, condolense." Naiiling na sabi ni Millo sabay pat sa balikat ni Sophie. Nagtataka namang tumingin dito si Sophie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dear Black Crown [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon