Idolo

19 0 0
                                    

Nag-audition, nag-ensayo inabot ng ilang taon
Kaya sa paglipas ng panahon, ikaw ay nakaahon
Nakaahon sa walang humpay na pagsubok na tila'y di matatapos
Sayaw dito, kanta doon, aral dito, pakikisalamuha doon
Ilang ulit mo bang sinabi sa sarili mo na hindi ka susuko?
Sa pagsali sa isang reality show na suntok sa buwan ang pwedeng maging resulta ngunit di ka pa rin nagpatalo sa mga mapanghusgang mata ng tao
Akala nila ikaw ay isang hindi makabasag pinggan kaya kung ikaw ay husgahan wagas at sagad sa kaibuturan

Ang sarap pakinggan ang salitang idolo, hinahangaan at minamahal
Sa katulad naming walang ginawa kundi mahalin kayo at paglingkuran.
Hindi napapagod, hindi nakikitang nasasaktan.
Kaya naman sa pagsasama natin walang iwanan at sama sama nating abutin ang ating mga pangarap

Huwag tayong magsakitan, magkakaiba man tayo ng idolo, respeto at pagmamahal ang pairalin
Hindi ang mag awayan dahil sa pagkakamali.
Makabash wagas. Wag ganon. 😊

MGA KATAGANG HINDI MASABIWhere stories live. Discover now