Ikaw

164 2 0
                                    


Bukas ang isip sa pagkabalisa ng nakaraan

Hinagpis at pagkatakot ay hindi makalimutan

Nagbabagyang pangamba sa bawat araw na lumilipas

Tulirong nagtatanong, ikaw ba'y pampalipas

Sa pagsagi mo sa isipan waring pinagpawisan

Kahapong kay saya, sa bandang huli'y iniwan

Ligaya mong ibinigay ay sya ring sakit ang nakamtam

Sa pag-aakalang kailanman hindi mo maipararamdam

Lumipas ang panahon,nagkaroon tayo ng sariling buhay

Wala na sa tabi, pagkalungkot pa din ang nanalaytay

Madami na ang nakasalamuha, ikaw pa rin ang hinahanap

Humiling ng pagkakataon, sana'y ikaw pa rin ang mahanap

MGA KATAGANG HINDI MASABIWhere stories live. Discover now