Bakit

102 1 0
                                    




Bakit ka ganyan?

Unang katanungan sa aking nagmamaliw

Bakit napakalupit mo?

Lahat ay iyong napansin

Bakit sa simula pa lamang ay ayaw mo na sa akin

Anong aking nagawa kahit sa maliit na bagay iyong napapansin

Bakit ayaw mo subukang kilalanin ako

Bago magduda at iyong gawing ihip ng hangin

Bakit sa tuwing ako'y may gagawin

Hinaharang pilit at kung minsan ay sinasambit

Nang walang harabas sa taong nakapaligid

O' anong isip, sa aking di mawari

Sadya bang ang taas mo para sa amin

Kahit ang mundo'y pilit na winawaglit

Sa tanong na bakit, ako'y dinggin

Sa pagsusumamong hindi maipaliwanag ng pusong magiliw

Bakit ka ganyan, sa iyong pananalita napakasakit

Salitang hindi malilimutan ng sino mang makakarinig

Tila isang stamp na tumatak sa aking isipan

Kahit anong gawin hirap burahin

Bakit ka ganyan?

Bakit di ko maintindinhan, anong ikinagagalit

Aking tinatangis ang iyong wagas na panghuhusga

Sa aking kakayahan pilit mong binababa

Sana sa susunod na tanong ko na BAKIT.?

Ako'y iyong mabatid,hindi lahat ng katulad ko

Kaya kang unawain.

MGA KATAGANG HINDI MASABIWhere stories live. Discover now