Chapter 45

736K 24.7K 11K
                                    

#PTG45 Chapter 45

Before I told Jax my idea, kinakabahan ako... Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya. But I wanted to do it... I felt like I needed to do it bago pa man kami magpakasal dalawa. I wanted to start our life together without any hang ups from the past. I wanted a fresh start with him—iyong wala na talagang multo galing sa nakaraan ang pwedeng humabol sa amin.

"I really appreciate you doing this..." I told him as we made way towards the cemetery. Tahimik ang paligid. Malakas ang hangin. It felt like a really good day to do this.

Jax didn't answer, but he held my hand tighter. Medyo naligaw kaming dalawa dahil hindi ko na tanda ang daan dito. Maraming bagong nadagdag kaya naman medyo natagalan bago ko nahanap ang pupuntahan namin.

Kieran Ramirez

Kierra Ramirez

I smiled as I put the fresh bouquet of flowers that I got from them. Nung nasa Alaska pa ako, nagbilin ako sa katiwala sa semeteryo na lagi niyang dadalhan ng bulaklak ang ang mag-ama ko. I was glad that he did what was asked for him dahil kita ko na malinis ang paligid.

"Kier," I began as I took a deep breath. "I just want to properly introduce you to Jax..." sabi ko habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ni Jax. He was just quietly standing beside me. "I know you didn't like him because of me... but I just want you to know that he's good at taking care of me. That's what you want, right? Nung bago pa magsimula ang mga problema natin? Gusto mo lang naman na may mag-aalaga sa akin, 'di ba?"

Pilit akong ngumiti kahit na nararamdaman ko na bumibigat na naman ang dibdib ko. For years, I had tried to make sense of what happened... Kung bakit niya ako sinaktan... Kung bakit niya nagawa iyon... I tried to rationalize everything... but I always failed...

Until I learned the word forgiveness.

I just wanted to forgive.

Nakaka-pagod magalit.

Tumingin ako kay Jax. "You want to say something?" I asked him.

It took him a few seconds before he was able to say, "Yeah... Can you leave us for a moment?" tanong niya. Tumango ako, at iniwan sila. I blew a quick kiss to my baby's grave, promising that I'd talk to her once I came back.

Hindi ko alam kung gaano katagal na iiwan ko si Jax. Naghanap lang ako ng pwede kong maupuan habang naghihintay ako. I got my phone, at agad akong napailing nang makita ko na halos patay na ang battery dahil sa dami ng chat mula sa chat box naming magkakaibigan. Hindi talaga sila nauubusan ng sinasabi! 'Di mo aakalain na may mga kanya-kanya ng pamilya!

OG Friends (Ft. Steele)

Simon: seryoso ba yung next week na yung kasal?

Me: yes. Napadala ko na invites niyo di ba?

Simon: di ba sukob yun? Last, last week lang kasal nila Joey kaya. Di pa nga umuuwi yung dalawa na yun e

Me: di ako naniniwala dun

Matt: oo nga naman. Kung may mamalasin na kasal, kila Joey yun.

Psalm: may sinasabi ka @Matt?

Napailing na naman ako nang mag-away iyong mga lalaki. The girls were unusually quiet. Siguro pina-plano nila iyong bachelorette party! I told them not to worry much—and told them seriously na ayokong makitang sumayaw si Steele! My God! Na-stress na nga ako sa picture pa lang, e!

I was silently laughing as Matt forced Psalm to buy him something nang maka-rinig ako ng yapak. Nag-angat ako ng tingin, at nakita ko na nasa harap ko si Jax.

Play The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now