Chapter 38

535K 22.1K 13.5K
                                    

#PTG38 Chapter 38

Jax... Jax told me that he would do everything to get me out of here. Kailangan ko lang maniwala... Kailangan ko lang magtiwala... But as days passed by, the hope I had inside me got smaller and smaller... Habang papatagal, mas lalo akong nawawalan ng pag-asa na makaka-labas pa ako dito...

"Kitty!" sigaw ni Joey nang makita akong papaasok ng lugar kung saan pwedeng bumisita. Dahan-dahan akong naglakad... Pilit na naglagay ng ngiti sa aking mukha... Masakit ang katawan ko... Pero ayokong malaman nila... Na totoo nga ang sinabi sa akin ng nanay ni Kier... Na sa bawat kilos, sa bawat paghinga, kailangan kong bantayan ang sarili ko...

"Are you okay?" Anj asked, looking worried.

Pilit akong ngumiti. "Okay lang ako..." sagot ko habang ngini-ngitian din sina Simon. Kita ko ang pagka-seryoso sa mukha nila. I... I didn't want them to know what was going on inside the prison. I couldn't talk about it. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kung patuloy ko iyong iisipin.

Mas gusto kong magpanggap na ayos lang ang lahat...

Dahil sa ganoong paraan lang ako nakaka-kuha ng kaunting lakas...

Para maniwala na may katapusan din ang lahat ng ito.

I knew they didn't believe my answer... Sino ba ang maniniwala? Sino ba ang magiging maayos sa lugar na 'to? Puro takot lang ang nararamdaman ko... Puro pangamba... Sa halos isang buwan na pananatili ko rito, ni minsan ay hindi ako naka-tulog nang maayos.

"May dala kaming pagkain. Birthday ni Simon kahapon... We brought you a slice of his cake."

Agad akong napa-tingin kay Simon. "Belated happy birthday..." bati ko sa kanya, pero isang tipid na tango lang ang nakuha ko. I didn't have a concept of time anymore... Para bang sa araw-araw, gumigising lang ako para hintaying sumapit ang gabi.

I tried to hide my excitement as they opened the container. Gusto ko ng masarap na pagkain. Sawang-sawa na ako sa mga pinapakain nila dito... Parang hindi pang-tao... Parang hindi tao ang turing sa amin...

Dahan-dahan akong kumain habang nagku-kwento sila ng mga nangyayari sa labas. They tried to keep me as updated as they could... but I wasn't interested in all that anymore. Gusto ko lang lumabas. Gusto ko lang maka-laya.

Hindi ito 'yung buhay na gusto ko.

This wasn't life...

This was just existing... barely...

"Si... Cha?" tanong ko nang matapos akong kumain. Dahan-dahan kong nginuya ang bawat pagkain. I... I didn't know when they would come back. I wanted to cherish every bite.

Joey smiled. "She just woke up yesterday."

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ayos na ba siya?"

She nodded. "Yes, she's fine... At least, physically."

"What do you mean?" I asked.

"Well... Of course she was hysterical when she learned about... You know... Her baby..." dahan-dahan na sabi ni Joey habang naka-tingin sa akin. Alam ko na hangga't maaari, hindi sila nagsasabi ng problema sa akin. Puro mga magagandang balita lang ang naririnig ko sa kanila... Maybe they were afraid of giving me more reasons to just give up...

"Also, you might be interested to know that the engagement's off."

Umawang ang labi ko.

"Cha threw her engagement ring at Iñigo's face, and asked him to get his things from her apartment... And Iñigo? That guy could beg... Unfortunately, Cha wouldn't listen to anything he has to say," Joey stated. "And if you're curious bakit alam ko 'to, kasi nasa kwarto ako ni Cha nung nangyayari lahat 'yun... I think they forgot I was there."

Play The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now