21st Chapter

145 7 1
                                    

---

(Continuation of the throwback)

Tristan

Naubos kaagad ang mga isda na binibenta ko, nang dahil kay Jayla at sa batang babae.

"Wag masyadong lumayo baby Nica." Sigaw ni baliw

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya.

Hindi ko sinagot si baliw.

Umalis siya bigla at pagbalik niya, may dala na siyang dalawang ice cream.

"Master kain kayo" Sabi niya sabay ngiti.

Kinuha ko naman. "Okay na ba yang paa mo?" tanong ko

"Opo, actually noon pa, kaya nga nakakagawa na ako ng house hold chores." sagot ni baliw sabay kain sa ice cream niya.

Umalis ulit siya tapos pag balik niya dala na niya yung bata.

"Saan ka nanggaling?"

"Miss mo na ako agad?" sagot niya.

"Baliw." Tss bakit ko naman siya mamimiss?

"Eto naman, joke lang! Hinanap ko lang si baby Nica." Ngiting sagot ni baliw

"Sweet naman nila, pero ang bata pa nila para magka-anak" Tss, pinag-uusapan kami nung mga dumadaan.

"Para nating anak si Nica?" tanong ni baliw

"Yuck, hindi noh!" Sigaw ko. Kadiri

"Eto namang si master ang hyper hyper" 

"Kuya, kuya! Nica wants to eat siomai" kalabit sakin ng bata

"Wala akong pera" tipid kong sagot

"Master, sige na libre mo na kami ni Nica, babayaran kita pag nakabalik nako samin, promise" sabi ni baliw sabay raise ng kanang kamay niya, yung parang nagsasabi na promise.

"It's Payback Time" Abra Fanfiction♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon