9th Chapter

240 5 2
                                    

---

Jayla

"Dito nalang ako sa sofa" Sabi ni Raymond. Kung patutulugin ko siya jan, baka sabihin pa na hindi ako sweet, o kaya wala akong paki-alam sa kanya. I don't want my plan to be ruined

"Tabi nalang tayo." Sabi ko.

"At last! Nagsalita kana, anong bang nangyari? bakit hindi mo ako pinapansin?" He said then sat on the bed.

Hindi ako nagsalita! Hindi niya alam? siya yung enjoy na enjoy kausap yung Joyce eh.

"Nagseselos ka kay Joyce noh? Ayiee, nagseselos ang mahal ko" Sabi ni Raymond habang kinikiliti yung gilid ko. ANO BA!

"Tss, ano ba! Alisin mo nga yang kamay mo, matutulog na ako, good night" Sabi ko sa kanya then I covered my whole body with the blanket. Wala na akong oras makipag kulitan sayo!

"Sige bukas nalang kita susuyuin, Mahal ko. Ang selosa mo pala." He said while hugging me, kahit na may kumot. AISH! UMALIS KA. TADYAKAN KITA DIYAN EH!

Hindi na ako umimik at natulog nalang.

Nagising ako sa sikat ng araw. Pag tingin ko sa tabi ko, instead na si Raymond ang makita ko, isang bouquet of flowers ang nakita ko. Anong trip ng lalaking yun? -,-

Tiningnan ko yung card na nasa bouquet... "Good morning, Mahal ko, maganda ba yung tulog mo? Eh ako nga hindi masyadong nakatulog dahil galit ka pa din sakin, masyadong mahaba na yung naisulat ko. P.S Punta ka sa pool, dali! Bye."

Anong gagawin ko dun? baka nagswi-swimming na yun, tss, mapuntahan na nga lang.

Pag-bukas ng elevator, natatanaw ko na yung mga salitang "S-O-R-R-Y M-A-H-A-L K-O" na nasa swimming pool, actually mga tao ang nag hahawak ng mga letra.

"Aking Diwata, Ikaw ang pinakamaganda, pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata, tamang hinala di makapaniwala, Na nakita na and pinakamakinang na tala, talagang hiwaga, walang katapat bagama't pinagbawalan ipaglaban ka sapagka't ikaw lang ang minamahal ko oh aking diwata..." Habang kumakanta si Raymond ng Diwata, ay papalapit ng papalapit siya sakin.

"Sorry, Jay" Sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko.

Hindi ko alam kung ano yung ginawa ko pero umo-o nalang ako, parang feeling ko nawala na lahat ng galit ko sa kanya, Why do I have this feeling eh galit naman talaga ako sa kanya noon pa.

"Masarap ba yung pagkain?" Sabi ni Raymond habang sumusubo ng kanin.

Pagkatapos niyang mag sorry kanina, nag breakfast agad kami near the pool area.

"Oo sobra, sarap nga eh" I said then kinain yung nasa spoon ko

"It's Payback Time" Abra Fanfiction♥Where stories live. Discover now