18th Chapter

136 6 1
                                    

---

(Continuation of the Throwback)

Tristan Lim

"Nako anak para ka talagang si Super Man, niligtas mo yung babae." Sabi ni Mama habang pinupunasan yung ulo ng babaeng nabangga yung sasakyan kanina.

"Sino yan?" Sabi ni Papa, kakarating lang ni Papa galing sa pangingisda.

"Sa wakas naman may inuwing babae na ang anak ko." Sabi ni Papa.

Nako nako, wala pa yan sa isip ko, pag-aaral muna bago pag-ibig.

"Ano ba Pa, nakita ko lang yan kanina, nabangga kasi yung kotse, mukha ngang mayaman, buti nga buhay pa."

"Sus ganun ba, sige kain na tayo, tapos nang mag-luto yung Nanay niyo." Sabi ni Papa

"Trina halika na, wag mo yang titigan, baka magising yan." Tawag ko sa kapatid kong 14 years old.

"Eh kuya ang ganda ganda kasi niya tapos ang weird ng suot."

Oo nga medyo weird, naka gown ba naman?

Natapos na kaming kumain at ako yung naghugas ng pinggan. Medyo badtrip nga at umabsent ako ngayong araw dahil sa babae na yan, nako pag hindi pa yan gigising gigisingin ko talaga yan, hindi na ako pweding umabsent bukas 'noh.

---

Jayla

Masakit parin yung ulo ko, sobrang sakit, sobra, sobra.

Wait, what? may naririnig akong agos ng dagat...

Minulat ko yung mga mata ko, teka teka, bakit may batang babae dito, sa pagkaka-alam ko wala akong mas bata na kapatid ah?

"Hi ate pretty, you're awake na pala." HUH?

TEKA! NASAAN AKO?

"Nandito ka ate pretty dahil nabangga yung car mo. Si kuya nga yung nagdala sayo dito. He saved your life" tss. Mind reader

Umupo ako sa pagkakahiga, masakit parin yung katawan ko, Masakit yung paa ko.

"Wait ate pretty, you can't stand up, namumula yung feet mo" Oo nga masakit yung paa ko,mahirap maglakad ng maayos, but I tried to stand up, feeling ko matutumba ako, I lose my balance, buti nalang nasalo ako...

"WAG KA NGANG TATAYO! ALAM MO NAMANG GALING KA SA AKSIDENTE! BALIW" sigaw sakin nung lalaki. Ouch ha! so harsh

"Ate pretty sabi sayong wag kang tatayo eh, ayan tuloy, pero pagtyagaan mo na yang si Kuya Tristan, masungit talaga yan minsan eh."

Bumalik yung Tristan na may dalang bandage.

Hinilot niya yung paa ko at nilagyan ng bandage.

"I'm so sorry for wasting your time, salamat pala sa pag dala sakin dito, kung wala ka baka namatay nako dun." Even though mukha talaga siyang masungit, I can see na may good side naman tong Tristan na 'to, nilagyan nga ng bandage yung paa ko diba?

"Dito ka muna hanggang sa gumaling ka."

"Wala na akong plano bumalik." I whispered

"Baliw, may bayad yung pagtira mo dito."

"Narinig mo?"

"May dalawa nga akong tenga diba. Baliw talaga?" Oo nga naman pero grabe ang pilosopo.

"Oh bakit ngiting ngiti ka diyan? may gusto ka sakin noh?" Sabi niya. Tss baliw

"Yuck! I'm not even attracted to you." Sigaw ko. Tss asa naman siya.

Naala ko tuloy bigla si Raymond Abracosa ang taong minahal ko ng sobra-sobra pero pinaglaruan lang pala ako.

 Nakakalungkot na kung sino pa yung nagmamahal ng totoo, sila pa yung palaging nasasaktan.

---

"It's Payback Time" Abra Fanfiction♥Where stories live. Discover now